This Handsome Guy Doesn’t Mind Getting Bashed For Supporting Duterte, Touching!

Handsome Guy Doesn’t Mind Getting Bashed For Supporting Duterte

“Dutertads” – This was the term coined for die-hard supporters of President Rodrigo Duterte. Sometimes this so-called Dutertards receive hate messages and even death threat.

One example is Tristan Gaynor, who admits his 100 percent support to Duterte. His post on his personal account in Facebook has gone viral after sharing his experience on how he faced people calling him  bobo, bakla, tanga over his utmost support to the President.

Maraming beses na ako na-bash dahil sa suporta na aking pinapahayag at binibigay sa taong eto. May mga nagpa-private message sakin na ako daw ay bobo, mangmangat gago dahil ako ay naniniwala sa pamamahala ng nasabing tao na'to. May iba pa ngang nag private message na nagsasabi na ako ay isang bakla (which is totoo at obvious naman) kaya daw ako ganito mag isip. Nasabi na lahat ng mga dapat sabihin ng mga taong tumututol sa taong eto. Ang reply ko sa bawat mensahe ay isang pa-sweet na smiling face emoji. Hindi kasi ako marunong makipagtalo at makipag away. Sayang ang energy, Bes.

Ako ay taos-pusong sumusoporta sa taong eto hindi dahil siya ay isang perpektong pangulo, o dahil siya ay walang bahid na pagkakamali. Alam ko at alam namin na may mga kahinahan siya. Pero bakit nga ba napakadami namin na sumusoporta sa kanya? Dahil pagod na kami sa pamamalakad ng mga nakalipas na pangulo. At kung bakit kami pagod na ay dahil sa napakadaming kadahilanan. Gaya nalang noong nakaraang Yolanda. Mga Bes, nakalimutan niyo na ba kung pa'no tayo lantaran nilinlang ng mga taong namamahala noong mga panahon na'to? Buong mundo ang tumulong sa'tin noon. Buong mundo, Bes. Halos hindi na nga mabilang ang salapi na nalikom sa sobrang laki. Saan napunta yun Bes? At nasaan na ang Tacloban ngayon? Hindi ba sa sobrang laki ng halaga na ating natanggap noon ay hindi lang mga taga Tacloban ang matutulungan ng halaga na yun kundi pati na din mga ibang kababayaan natin na naghihirap mula sa iba't ibang parte ng Pilipinas?


At isa lang 'to sa mga rason kung bakit kami ay tila wala ng gana at pagod na sa mga pangako ng mga nakaraang administrasyon

Sige Bes, ngayon sabihin mo sa'kin kung bakit huwag ako sumugal sa taong eto? Kung bakit kahit sa kabila ng madumi niyang pananalita kami ay tuluyan pa ding sumusuporta. Pero sige Bes, baka nga siguro mali kami. Baka naman talaga na mali siya para sa ating bansa. Pero alam mo ba, Bes? Wala kayong magagawa kasi binoto siya ng halos buong Pilipinas. At may anim na taon siya para manungkulan. Saklap no? Kasi amin na taon kayong magaabang sa mga mali niyang gagawin. Kakalungkot.

Last na'to Bes para makatulog na din ako kasi galing pa ako ng flight while writing this. Tungkol diyan sa EJK na 'yan. Tanong ko, sigurado ba kayo na siya ang may lahat na kagagawan niyan? Hindi ba na psoible na ang mga kalaban niya sa politika ang may pakana at sumasakay para siya ay tuluyang pabagsakin? At mga Bes, kayo na din ang nagsasabi ng mga katagang "innocent until proven guilty..". E bakit kung parang pagbintangan niyo siya, parang daig pa niya ang taong walang karapatan para ipaglaban ang kanyang sarili.

Yun lang naman mga Bes. Sorry kung napahaba ang aking litanya. At sa mga balak na mag private message diyan para yurakan ang aking pagkatao (na matagal nang yurak), may nakahanda na akong smiling emoji para sa inyo. 😊#ThoughtsOfTristan
READ ALSO: A Doctor Speaks Why You Should Not Call Dutertards Stupid