This VIRAL Story Explains Why Filipinos Should APPRECIATE And RESPECT Duterte, MUST READ!

why we should APPRECIATE And RESPECT Duterte

A Facebook post from John Meinard Salamat on why Filipinos should appreciate and respect President Rodrigo Duterte is viral now on social media.

It's a very interesting story of 'Juan' inspired with the leadership style of Duterte which also has a moral lesson in the end.

Here's Salamat's entire post on Facebook, please read.

"LIDER"
By: John Meinard Salamat

Nagbotohan ang mga magkakaklase para piliin kung sino ang magiging presidente ng kanilang Classroom. Maraming nagnominate kay Juan dahil sya ang pinakamatalino at laging nata-top sa klase.

Nagtaka si Juan.

Juan: Bakit ako? Anong alam ko dyan?

Lumapit sa kanya si Philip.

Philip: Kaya mo 'yan. Tutal matalino ka naman at nagtitiwala kami sa kakayahan mo.

Naghiyawan 'yung mga kaklase nya.

"Tama! Sya na lang gawin nating president natin!"

Walang nagawa si Juan kundi tanggapin ang pagiging presidente sa klase kahit alam nyang ikasasakit lang ng ulo nya ito.

Sa unang araw nya sa pagiging Lider ng Classroom nila ay ipanatupad nya ang mga rules sa klase. Sinunod sya ng mga ito maliban lang sa bully na si Cris.

Cris: Bakit ko susundin 'yan, eh mismong mga teacher nga 'di ko sinusunod.

Bilang isang lider ng klase inintindi na lang ni Juan sa Cris.

Juan: Sige Cris! Kahit na hindi mo sundin 'yung mga rules na 'yan basta wag mo lang Bubully-hin 'yung mga kaklase natin. Okay na sakin 'yun.

Tinulak ni Cris si Juan.

Cris: Sino ka ba para sabihan mo 'ko nyan? Liit liit mo parang kaya mo ako, ah.

Biglang sinuntok ni Juan si Cris at napatumba ito sa sahig.

Juan: Simula ngayon ayoko ng nakikitang may binubully ka dito sa mga kaklase natin, kung hindi mauulit uli 'yang nangyari sa'yo.

Cris: Opo! 'Di na po mauulit.

Umiiyak na tumakbo si Cris palabas ng Classroom.

Nagpalakpakan ang mga kaklase nya! "Ang galing mo talaga Juan" hiyawan nila.

Natapos ang ilang mga araw ay naging epektibo ang pamamahala ni Juan sa klase, miski ang mga teacher ay 'di makapaniwala dahil organisadong organisado ang kanilang Classroom.

Isang araw ay inatasan si Juan ng kanilang teacher na maglista kung sino ang maiingay sa Classroom habang wala sya.

Dahil walang klase ay naging maingay ang silid. Kanya kanyang kwentuhan, harutan at kung anu-ano pa. Maski humiyaw ng ilang beses si Juan ay Hindi pa rin sya nito pinapansin. Nakita nyang pinagmumulan ng ingay ay si Philip.

Lumapit sya kay Philip.

Juan: philip please wag na kayong maingay!

Ngunit hindi sya nito pinapansin at patuloy lang sa pag-iingay. Kahit ilang beses nyang sinuway ito ay patuloy pa rin syang 'di pinapansin ni Philip hangang sa mapuno na sya.

Juan: ANO BA PHILIP? AYAW NYO BA TALAGANG TUMAHIMIK! ILILISTA KO KAYONG LAHAT!

Naiinis na tumingin si Philip sa kanya.

Philip: EDI ILISTA MO!


Juan: Ah Ganon, hah!

Nilista ni Juan 'yung mga maiingay sa klase at unang una dun si Philip. Pagkadating ng Teacher nila ay ibinigay ni Juan ang mga Listahan dito at nagsimula na ngang magalit ang teacher kay Philip at sa iba pang nakalista.
'Di alam ni Juan na inaabangan sya ni Philip sa labas ng skwelahan.

Tinulak ni Philip si Juan.

Philip: Bakit mo 'ko nilista?

Juan: Sabi ko sayong tumahimik ka, eh ayaw mo namang sumunod.

Sinuntok ni Philip si Juan. Kahit masakit sa loob ni Juan ay sinuntok nya si Philip sa tyan at namilipit to sa sakit.

Tinulungan nya si Philip tumayo pero nagpumiglas ito at galit na umalis.

Nakonsensya si Juan sa nangyari dahil na rin siguro ay napamahal na sya sa mga kaklase nya pero kahit ganun inisip pa rin ni Juan na kung hindi nya gagawin 'yun mawawalan ng disiplina ang mga pinamumunuan nya.

Pagpasok nya kinabukasan ay nagngingisian ang mga kaklase nya ng biglang may nagsalita.

Philip: Magsitahimik na kayo andyan na 'yung mapagmataas baka ilista na naman tayo nyan, mapagalitan pa tayo.

"Oo nga! Tumahimik na lang tayo baka suntukin pa tayo ni Juan. Alam nyo namang walang modo 'yan" sabi ng ibang kaklase nya.

Kahit masakit ay kinimkim nya na lang ang nararamdaman nya. Sino ba namang 'di masasaktan kung galit sa'yo 'yung mga taong nagluklok sayo sa pagiging Lider.

Kaya gumawa ng paraan si Juan para mabalik ang tiwala sa kanya ng kanyang mga kaklase.

Dahil sa pondo nilang piso piso kada araw ay nakapag-ipon si Juan para ipagawa ang mga sirang upuan sa kanilang classroom.

Binibigyan nya ng pera 'yung mga kaklase nyang walang pamasahe pauwi at walang pambili ng pagkain.

At dahil din sa pondo ay 'di na sila gumagastos pambili ng mga project sa school.

Ngunit wala pa ring epekto iyon sa kanyang ibang kaklase, patuloy pa rin sya nito inaaway.

Philip: Sus, hindi naman makakatulong 'yang si Juan sa atin kung hindi naman din dahil sa atin. Sino ba nagbibigay ng pondo sa kanya, diba tayo rin?

"Tama ka Philip" sabi ng iba nilang kaklase.

Philip: Subukan nyong wag magbigay sa pondo tignan natin kung makapag-angas pa 'yang si Juan.

Napaisip ang ibang mga kaklase nila. Tila sumasang-ayon sila sa sinabi ni Philip kaya nung araw na ring iyon ay itinigil na nila ang pagbibigay ng pondo kay Juan.

Pagpasok ni Juan ay tahimik ang mga kaklase nya. Kinausap nya ang Treasurer para tanungin kung nakapagbigay ba ng pondo ang mga kaklase nila. Umiling ito!

Dahil sa sobrang sama ng loob ni Juan tila napagod na sya sa mga nangyayari at inalabas na nya ang kanyang sama ng loob.

Juan: Ano? Wala na ba talagang susunod sa patakaran natin dito sa room? Ginawa ko naman ang lahat para sa ikaaayos nating lahat pero ano? Anong ginawa nyo? Puro kayo reklamo, puro kayo pangi-ngritisismo. Simula ngayon humanap na kayo ng sariling Lider nyo, ayoko na! Napapagod na ako!

Umiiyak na umalis si Juan sa skwelahan at iniwan nyang nakatameme ang mga kaklase nya.

Nagsitawanan naman si Philip at iba nyang mga kaklase na umaayon sa kanya.

Philip: Ano? Humanap daw tayo ng ibang presidente, Kung ako sa inyo si Cris ang gagawin kong Presidente. Matapang na, may paninindigan pa.

Sumang ayon naman sa kanya ang iba nyang mga kaklase at si Cris na nga ginawa nilang Lider.

Makalipas ang ilang araw ay nagsisisi ang mga ito dahil ninakaw ni Cris lahat ng pondo nila at hinuhukutan sila nito ng pera.

Moral Lesson: Hangga't nandyan pa ang totoong nagmamalasakit sa bayan katulad ni Duterte, pahalagahan at suportahan natin sya Hindi 'yung reklamo tayo ng reklamo sa lahat ng ginagawa nya. Mahirap kasing dumating yung araw na magsawa sya at iwanan na lang tayo na naghihirap at nagdurusa dahil sa pangri-ngritisismo natin sa kanya.

#Duterte
READ ALSO: Political Analyst Defends Duterte on Sharp Statement to US, WOAH!