VIRAL: GMA Head Writer BLASTS Mocha Haters, “Kung Ayaw Mo, Edi ‘Wag Mo Basahin”

GMA Head Writer Blast Mocha Haters

Suzette Doctolero, head writer of Creative Unit of GMA, could no longer keep a mum on people criticizing Mocha, leader of sexy-girl dance group Mocha girls and a known staunch supporter of President Rodrigo Duterte.

On her Facebook post that has gone viral, she provided seven points which serve as an advice for people disliking Mocha.

Ang daming mainit ang ulo kay Mocha. Pati ako ay inaaway at ipinagtatanggol ko daw. Lol. Psst, mga payong kapatid lamang.

1. Kung ayaw mo sa kanya e di huwag mo siyang basahin. Huwag kang stalker na silip nang silip sa kanyang page tapos busa ka nang busa! Gaga lang?

2. Kung di mo mapigilan ang sarili mo na di siya basahin kahit na ayaw mo sa kanya then dalawa lang ang ibig sabihin niyan: a) baliw ka na kaya magpatingin ka sa doktor o b) friend, baka naman inlove ka na kay Mocha? 3. Kung naiinggit ka naman sa kanya at from sexy star ay naging social media news source/reporter na siya e di gumawa ka rin ng sarili mong page at mag ala news reporter ka rin doon. Walang pipigil lalo at naniniwala tayo sa human rights at freedom Of speech chorva di ba?? so Go!!

4. Kung may page ka na at hate mo pa rin si Mocha dahil sobrang dami niyang readers at followers habang ikaw ay lima lang ata ang likers (nanay mo pa ang isa) then gumawa ka ng ibang gimik para mapansin. Maghubad ka at maglive sa fb. Tignan natin kungdi dumami agad-agad ang followers mo. Kung si Mocha ay dati kamong sexy starlet na naging social media darling aba ikaw naman ay ang the new social media porn king. Mas kabog di ba!?


5. Kung sa kabila ng lahat at di ka pa rin makapag move on at napag desisyunan mo na ihate si Mocha for life dahil feeling mo ay isa kang savior na nag aalala sa mga "inosenteng readers" na ikamo ay kinatatakutan mong ma corrupt ng mga mali-mali ikamong pinagsasabi ni Mocha sa kanyang page then isa na lang ang maipapayo ko.. Tigilan mo iyan! Humithit ka na naman ng druga na ang epekto ay nagpapa feeling magaling at nasa pedestal ka kaya tingin mo ay ikaw na ang the best! At ang mga gaya ni Mocha ay isang ipis na dapat mong apakan. Psst, iho, seryoso, wag kang adik. Tigilan mo iyan.

6. Masakit matapakan ang ego lalo na't mataas ang pinag aralan mo pero mas sikat sa social Media si Mocha..then meditate, kapatid. Ipaubaya mo kay Lord na tanggalin ang lahat ng hurt, pain, envy at hate sa puso mo.

7 Kung wala pa ring epek ang mga sinabi ko then patugtugin ang awit ni Justin Beiber at sabayan ang kanyang pag awit:

Cause if you like the way you look that
much Oh baby you should go and love
yourself!

Yes, love yourself, brother!

Para maging masaya ka. At di puro hate na lang.

Kaya kuda ka nang kuda.

Sa isang gaya ni Mocha na di ka naman kilala. Ang unfair ng mundo di ba? Hate mo.. Pero dedma siya sa iyo kasi di ka niya kilala. Sinong talo? Lol.

Do you agree with her opinion?
READ ALSO: A Doctor Speaks Why You Should Not Call Dutertards Stupid