AMAZING Remarks of Novelist Lualhati Bautista on Marcos Burial, WOAH!

"Siyam na mahistrado nga ng Korte Suprema ang bumoto pabor sa paglililbing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani, pero hindi po sila ang taong-bayan. Nagdiriwang kayong mga maka-Marcos, pero hindi rin kayo ang buong sambayanang Pilipino/"
Lualhati Bautista on Marcos Burial

Renowned Filipino novelist Lualhati Bautista expressed her concern on the recent decision of Supreme Court that favored the late dictator Ferdinand Marcos to be buried in Libangan ng mga Bayani.

Instead of encouraging other Filipinos to let their anger burn, she shared other suggestion: to raise awareness about what had happened during the Marcos era.

Nagdesisyon na ang Korte Suprema. Wala na tayong magagawa para baguhin ang desisyon nila. Pero magagawa nating ipamulat sa lahat, lalo na sa mga kabataang hindi pa isinisilang o maliliit pa noong panahon ng pamamayagpag ni Marcos. ang katotohanan sa loob ng kanyang rehimen. At maging matalas sa pagbabantay at paglaban sa anumang banta na maulit ang kanyang panahon.
She also entailed her experience during the martial law:

Noong panahon ng martial law, lalong nabuhay ang tinatawag na protest art, sa panig ng mga pintor, manunulat, kompositor, at mga mang-aawit. Maraming na-ban, pero hindi nanahimik. Ibig sabihin ginising ng kalagayan ang sining at pagkamakabayan sa puso ng mga mamamayan. Kahit mga simpleng mamamayan ay natutong tumula at umawit: mga manggagawa, magbubukid, mga mangingisda. Tinula at inawit nila ang kanilang mga hinaing. Ngayon, umpisa pa lang ay nakakabasa na ako ng mga tula na hindi lang nagpoprotesta sa pasiya ng Korte Suprema kundi naghahangad maunawaan ang tunay na naging kalagayan noon . Marahil, ito ang positibong resulta ng pinakahuling pangyayari sa buhay natin.
She further expressed her point on how the SC decision can affect the Filipinos

Siyam na mahistrado nga ng Korte Suprema ang bumoto pabor sa paglililbing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani, pero hindi po sila ang taong-bayan. Nagdiriwang kayong mga maka-Marcos, pero hindi rin kayo ang buong sambayanang Pilipino. Wala kayong karapatang sabihin na simula na ito ng paghihilom ng mga sugat, dahil sa katotohanan, lalo lang nitong pinagnaknak ang sugat ng hindi mabilang na biktima ng martial law. Wala kayong karapatang sabihin na simula na ito ng pagkakaisa. Paano makikipagkaisa sa inyo ang dumanas ng walang-pangalang pahirap at pagkayurak ng pagkatao sa loob ng mga safe house ng militar noong panahon ni Marcos? Paano makakalimot ang mga ginahasa, ang mga pinaslang nang walang laban, ang mga inagawan ng lupa at kabuhayan? Simula po ito ng paglalahad ng katotohanan, hindi ng mga kasinungalingan
READ ALSO: FIERCE Human Rights Lawyer Remarks On People Who Made Marcos A Hero