Lawyer To Fellow Martial Law Victims: Hwag Po Kayong Umasta Na Parang Kayo Lang Ang Biktima

"Una sa lahat, hwag po kayong umasta na parang kayo lang ang biktima lalong-lalo na kung pinanganak kaya after 1987 kasi marami sa amin nabuhay nuong Martial Law sa Visayas at Mindanao nung batas militar at hindi naman ganun ang pag-eemote namin."
Lawyer To Fellow Martial Law Victims

Once more, Atty. Bruce Rivera's remarks on late president Ferdinand Marcos' burial in Libingan ng mga Bayani, is another hit in social media.

This is when he shared his experiences during martial law and telling his reasons why he is willing to bury Marcos in LNMB:

Totoo ang Martial Law sa akin. I have lived it.

Pero bakit ako payag na ilibing si Macoy (tawag kay FM nuon) sa LNMB?
Here's the full context of his Facebook post. Please read.

DEAR FELLOW MARTIAL LAW VICTIMS

Una sa lahat, hwag po kayong umasta na parang kayo lang ang biktima lalong-lalo na kung pinanganak kaya after 1987 kasi marami sa amin nabuhay nuong Martial Law sa Visayas at Mindanao nung batas militar at hindi naman ganun ang pag-eemote namin.

Pinanganak ako nuong September 30, 1972 sa Cebu ilaw araw matapos ideklara ni Marcos ang martial law. Naglakad ang nanay ko ng dalawang kilometro ng madaling araw kasi curfew kahit sumasakit na ang tiyan niya. Ang resulta, kailangan niyang i-Caesarean.

Lumaki ako sa Magsaysay, Davao del Sur kung saan nakikita namin sa sapa ang mga bangkay na nakalutang dahil sinalvage ng PC-INP dahil isang mabangis na infantry ang naassign sa Davao nung panahong un. Ilang beses nawawalan ng baboy ang lolo ko dahil binabaril muna nila bago hingin sa kanya.

May alaga akong kambing na Meeh ang pangalan na binaril nila at ginawang kaldereta. Sa trauma ko, hindi ako kumakain ng kambing ever. Sa batang lima ang edad, malaking dagok yun.

Muntik na makulong ang lola ko na si Mama Soping dahil volunteer siya ang kauna-unahang NAMFREL sa 1986 snap elections kasi sinabihan niya ang tumatakbong assemblyman ng KBL na hindi pwedeng pumasok sa polling site. Kung hindi lang ako umiyak, nakulong siya.


Marami akong kamag-anak na hindi pa din nakikita until today. Swerte ko lang na hindi kami namatayan sa immediate family.

Totoo ang Martial Law sa akin. I have lived it.

Pero bakit ako payag na ilibing si Macoy (tawag kay FM nuon) sa LNMB?

Kasi pagod na akong maging biktima. Nakita ko na walang nagbago matapos nating patalsikin ang pamilya Marcos. Nakita ko na walang nagawa ang dalawang Aquino na naging Presidente na bigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Ninoy at ibalik ang sinasabi nilang nakaw na yaman. Ni hindi nga nila binago ang batas para siguruhin na hindi talaga mailibing si Macoy duon.

Higit sa lahat, nakita ko na mahal si Apo ng mga Ilocano. Siguro dahil iba ang batas militar sa norte sa naranasan namin sa Cebu at Davao. Nakita ko din na wala din namang ginawa ang mga Aquino/Cojuangco nung dahan-dahang nakabalik sa poder ang mga Marcos.

Kaya nilibing ko na ang poot ko. Para sana sa ikatatahimik ng bayan. Maraming biktima ang nasaktan. Pero habang andyan ang bangkay ni Macoy, hati ang mga Pilipino. Nasa poder na sila ulit. Hinayaan nating lahat. Tutulan niyo man ang paglibing, may batas na nagsasabing pwede.

Por que pang tutulan? Para ungkatin ang sakit ulit.

Move on na tayo. Kasi mas nasasaktan akong nakikita ang simbolo ng batas militar na hindi pa nililibing. Baguhin na lang siguro natin ang pangalan ng libingan tulad ng pagbago natin sa MIA to NAIA.

O selfie, mga haters!!!
READ ALSO: Editor’s WITTY Remarks On Why He Needs To Respect SC Decision On Marcos Burial