MUST READ: DLSU Professor Explains Why Ninoy Aquino Is Not A Hero

On November 27, marked the 84th birthday of the late Senator Benigno “Ninoy” Aquino Jr. His family and supporters went to his tomb in Manila Memorial Park to commemorate what he’d done for the country.
Ninoy Aquino not a Hero
One of his supporters even left a message to his tomb, “Ninoy Tunay Na Bayani,” according to a report of ABS-CBN News.

But a De La Salle University professor spoke up regarding the late Aquino being a hero.

"Tunay na bayani" ang sinulat kasi may pasaring sa "pekeng bayani" na si Apo. Hahaha.
Andaming beses na sinabing hindi bayani si Marcos pero sa kakabanggit ng "bayani" kasama ng pangalan ni Apo, kahit may kasamang "Hindi (Bayani)" o "No (Hero)", ang mga anti-Marcos din ang gumagawa ng paraan para ma-associate kay Apo ang salitang bayani. "Pangulo" na nga lang ang ikinakabit sa pangalan nya eh... Tapos bandang huli, iiyak na naman kapag tinawag ng marami na bayani si Marcos, Van Ybiernas wrote on his Facebook account.
He even further his juicy remarks.

Hayaan na kasing ibaon siya sa lupa at makalimutan na ng mga tao.

Anyway, mas accurate siguro na si Ninoy ay tawaging martir na namatay sa kamay ng kanyang mga kaaway.

Nasabi ko na rin ito: naging "bayani" si Ninoy dahil nagka-EDSA. Kung walang EDSA, hindi siya magiging bayani. Hindi siya hihiranging bayani ng estado.Ybiernas noted that Aquino was not a hero, but a martyr.


Sure, bayan ang tumawag sa kanyang bayani... pagkatapos nyang mamatay, kung kailan fresh pa sa memorya ng tao ang kanyang nagawa. Pero, magkakanda-matayan din sa huli ang "bayan" na tumawag sa kanyang bayani pagkatapos nya mamatay. At kapag nangyari ito, ang bayani ay mababaon sa limot UNLESS buhayin ng estado ang kanyang alaala.

Kapag inusisa nang husto ang buhay ni Ninoy, lilitaw na mas martir siya kesa bayani, lalo na't siya mismo ang umamin na:

1. Trapong-trapo siya bago makulong noong Martial Law

2. Inuna nya ang sariling kapakanan nang pilitin niya ang rehimeng Marcos na payagan siyang lisanin ang bansa patungong Estados Unidos para sa heart bypass operation.

3. Hindi siya nagmadaling umuwi ng Pilipinas pagkatapos niya maka-recover sa heart surgery dahil nag-e-enjoy siya sa kanyang kalayaan sa piling ng pamilya sa Boston.

4. Umuwi siya ng Pilipinas dahil sa tantiya niya, malapit na mamatay si Marcos at magkakagulo sa bansa (in short: mababakante ang pwesto ng pangulo... hehehehe)

Nasa video MISMO ito ni Ninoy Aquino. Straight from the horse's mouth ang mga impormasyong ito.

Bruh, mas martir ka kesa bayani!