Furious Lawyer Blast Baclaran Priest: Tigilan Na Natin Ang Ka-Ipokrituhan, Father

"Eh bakit sa drug killings lang kayo tila galit????"
Atty. Rivera Blast Baclaran Priest
Remember the EJK photo gallery in Baclaran Church that went viral these past few days?

Rector of the much-visited National Shrine of Our Mother of Perpetual Help (Baclaran Church), Fr. Joseph O. Echano, tells in an interview with Radio Veritas, that:

Nababagabag kami, kasi napunta sa photo gallery at hindi na dun sa killing, nasaan na ang pananampalataya nila, parang ang mas dini-Diyos nila pa ang presidente, ano na yung bunga ng pananampalataya nila. Alam ninyo malalim ang naging impact sa amin.

Yung purpose ng photo gallery is to appeal to humanity, a sense of dignity sa kanila na hindi tayo Barbarian, kahit drug addict yan taon yan, hindi basta basta papatayin na parang baboy na pinapatay sa harapan pa ng kanilang mga ana.
On that note, Atty. Bruce Rivera in a Facebook post, blast the Catholic priest and said:

NABAGABAG?

Ang aga mong binwiset ang araw ko, Fr. Katoliko ka ba talaga o sadyang mangmang lang? At sino nagsabi na dini-Diyos namin si Duterte. Una sa lahat, alam namin na hindi siya perpektong tao. Pero hangad namin ang kanyang perpektong pagmamahal sa bayang Pilipinas. Makasalanan ang Presidente namin gaya ng pagiging makasalanan ng bawat taong sumusuporta sa kanila.

Kayo na lang po ang malinis. Kayo na lang po ang walang sala. Sa inyo na din po ang langit. Kunin niyo na. Take it!!! Take it!!!!
READ ALSO: Rivera Blast Leni: If You Cannot Respect Our President, What Right Have You Got To Our Respect

Totoo. Hindi na kami nababagabag sa killings. Bruha ka, hindi ka na ba sanay? Mendiola massacre. Hacienda Luisita massacre. SAF 44. Lumad killings. Random killings due to rampant criminality in the past years. Nyeta, sa Baclaran ka nakatira, Father!!! Sa balwarte mo pa lang, madami na ang nabiktima dyan kung nauubusan ng pambatak ang mga adik.

And speaking of killings, hindi mo ba alam na kung minomolestya ang isang bata, parang pinapatay mo na din ang kanyang kasarinlan. At madami ang naging biktima ng patayan. Magsasaka, babae, lumad, mga mahirap, mga bayani. Eh bakit sa drug killings lang kayo tila galit????

Tigilan na natin ang ka-ipokrituhan, Father. Hindi namin sinasamba ang Presidente. Nawalan lang kayo ng saysay sa amin kasi ang simbahan sana ang dulugan o refuge ng mga naaapi at mahihirap. Kaso, karamihan sa inyo naging ganid na. Sino ba ang pinagdadasal ninyo? Yung mga mismong criminal at magnanakaw sa gobyerno. Kaya andito kami, tumatayo sa aming sarili para baguhin ang bansa.

Kasi, sa totoo lang. Kayo ang duwag sa pagbabago. O baka nagduduwag-duwagan lang kayo. Kasi sa tunay na pagbabago, baka wala kayong delihensya.