What Will Mocha Do To Her Salary As MTRCB Board Member Is Actually Impressive!

Nice one Mocha!
Mocha Uson mtrcb board member
Amid criticisms, Mocha Uson, the newest board member of the Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) explained on her Facebook page why she accepted the position.

Ikwento ko lamang po kung bakit ko po ito tinanggap. Alam naman po ninyo na noon pa man ay wala akong pangarap pumasok sa masalimuot na mundo ng pulitika. Hindi ko po ito pinangarap hanggang ngayon. Ngunit dahil sa mga sitwasyon na nakita ko po sa industriya natin sa pelikula at telebisyon ay tinanggap ko po ang pagiging board ng MTRCB. Nabalitaan ko po sa ilang supporters na nangangailangan ng tulong ang Duterte Administration sa larangan ng MTRCB dahil marami daw po ang tumanggi sa position na ito dahil mababa ang sahod. Kaya akin pong naisip na tumulong po dahil ang ating isinusulong ay bolunterismo. Tinanggap ko po itong pagiging board ng MTRCB sa kondisyon na wala po akong tatanggaping sweldo. Sana po ay kanilang tanggapin ito.
She added that she will give her 100% salary to Duterte's Kitchen (DK) and
to the Department of Social Welfare and Development (DSWD) Centers/Projects.
At kung hindi naman, ibibigay ko po ang 100% na sahod ko sa Duterte's Kitchen (DK) at sa DSWD Centers/Projects. Akin pong i-video/document sa tuwing tatanggap po tayo ng sahod at idederetso natin ito sa DK at DSWD.
Uson also said this to her critics:

Tungkol naman sa mga bleeding hearts hayaan na natin ang mga negative na tao. Ang importante ay tulungan natin ang ating bayan. Tulad ng sinabi ko po, 2017 is the year of the ORDINARY FILIPINO. Mabuhay ang Pilipinas!
Then, she ends her post with a promise to help bring change to the MTRCB.

I promise to help bring change to MTRCB. At sa mga bumabatikos na kesyo magiging malaswa na daw ang MTRCB dahil sa pagiging open-minded ko eh hindi po kayo updated. Matagal na po yang mga video o picture na inuupload ng mga haters. Asahan niyo po, my first mission is to NOT ALLOW SOFT PORN sa TV during primetime. Alam kong mahirap dahil isa lang po ako at madami ang board members ngunit pipilitin natin ma convince ang board na hindi tama na ipalabas ito sa oras kung saan makakapanood ang bata.