WATCH: Mocha Uson To Resign As MTRCB Board Member, Here's The Reason Why

"Iisa lang po ako sa board members, trenta po ang board members doon. Ang mahiarap yung mga iba doon ay galing pa sa dating administrasyon at may mga nakasanayan na po silang ginagawa doon."
mocha uson to resign mtrcb
Mocha Uson in a Facebook live video on Friday night said she will resign as Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) member.

Uson said some board members were not interested in having a change in MTRCB.

Kahit na anong gawin ko na pagbabago sa MTRCB at saka sa mga programa na ipinapalabas, wala rin pong mangyayari mga ka-DDS. Alam nyo kung bakit?

Iisa lang po ako sa board members, trenta po ang board members doon. Ang mahiarap yung mga iba doon ay galing pa sa dating administrasyon at may mga nakasanayan na po silang ginagawa doon.

May mga iba doon na hindi sang-ayon sa pagbabago.

Kaya lang bakit pa tayo nasa MTRCB ngayon? Ano pang silbi natin ngayon dyan sa MTRCB kung wala rin pa lang mangyayaring pagbabago sa telebisyon? Kung patuloy pa rin ang kalaswaan, ang violence... Kung hindi naman pala susunod ang mga pamunuan ng board members ng MTRCB sa direksyon ng bansa natin na magkaroon ng pagbabago.

Sayang lang po mga ka-DDs yung tax nyo na binabayad sa amin kung ipapalabas din itong malalaswang eksena na pinagmamalaki pa ng mga TV network.
She also mentioned the very reason why she wanted to resign.
Nakaka-lungkot po mga ka-DDS kasi kung patuloy pa rin po ang kalaswaan sa telebisyon dahil mas iniisip ang interes ng mga TV network, mas iniisip yung mga sponsors ng mga TV network na nagbabayad sa kanila para sa mga programa nila kesa sa interes ng taong-bayan lalo na ng mga kabataan, kung wala rin naman tayong magagawa doon o hindi natin makukumbinsi ang mga board members na pigilan itong mga malalaswang eksena sa telebisyon, eh magre-resign na lang po tayo.

Magreresign na lang po ako dahil hindi ko maatim na tanggapin ang buwis ninyo, ang ibinabayad sa aking sweldo tapos hahayaan ko lang po na patuloy itong mga basurang programa na 'to na ipinapalabas ng mga TV network para lang kumita sila, wala na po akong silbi dyan sa MTRCB.
Before the live video ended, Uson emphasized:

Hindi po ako kapit tuko dito sa posisyon na to… Ngayon kung hindi talaga mangyayari ang pagbabago na to dahil may mga taong ayaw ng pagbabago, eh magreresign po tayo
READ ALSO: Mocha Reacts After G Tongi Questioned Her Credentials As MTRCB Board Member

For your reference, kindly watch the replay of Mocha Uson's live video on her Facebook page about this issue.


I will resign as MTRCB Board Member...
Posted by MOCHA USON BLOG on Friday, February 17, 2017