Veteran Columnist To Robredo: Hindi Na Naman Nag-isip Si Aling Leni

A veteran columnist from Manila Standard commented on Vice-president Leni Robredo's latest remarks about the reason why she runs in 2016 national elections and her thoughts on decriminalizing drug use in the Philippines.
jojo robles to leni robredo
Jojo Robles in a Facebook post said Robredo is a victim of her own ambition and will say anything she wants just to oppose President Duterte.

Kindly read Robles' entire Facebook post for your reference.

READ ALSO: WAC Shows Photos Of Alleged Sons Of Jesse Robredo To Dalisay, Sino Mas Kamukha Ng Bayani?

BASTA LANG MAKA-KONTRA. Sa kagustuhan ni Aling Leni na gampanan ang papel na pangunahing anti-Duterte, kahit ano na lang ay sasabihin niya. Hindi baleng kalaban na niya ang tamang pag-iisip o ang kagustuhan ng mas nakararaming Pilipino.

Siya ay biktima ng sarili niyang ambisyon. Basta hindi naaayon sa ninanais ni Duterte, nandoon siya, di bale kung lumalabas na ang tunay niyang plataproma ay "basta maka-kontra lang."

Nitong mga nakalipas na araw, malinaw na malinaw ang kakulangan sa malalim na pag-iisip at matagal at masusing pag-aaral sa mga pananalita ni Aling Leni:

Una, inamin niya na kaya lamang siya tumakbo bilang pangalawang pangulo ay upang mapigilan ang pagbabalik sa poder ng mga Marcos. Wala na siyang ibang naisip na dahilan: hindi ang drama niyang iangat ang nasa laylayan ng lipunan, hindi ang ituloy ang mga nasimulan ng mga tumahak daw sa matuwid na daan.

At dahil ito lang ang dahilan kung kaya't siya ay tumakbo, maiaalis mo ba sa isipan ng marami na sadyang ibinigay sa kaya ang pwesto sa pamamagitan ng pandaraya, dahil kailangang-kailangan talaga na siya ay manalo? Kaya pala, sabi ng karamihan -- ang mahalaga ay manalo upang matalo si Marcos, wala nang iba.

Pangalawa, at mas nakababahala, nais daw ni Aling Leni na pag-aralan ng pamahalaan ang panukalang huwag nang gawing krimen ang paggamit ng ilegal na droga, tulad ng ginawa na ng ilang bansa katulad ng Portugal.

Sinabi ni Aling Leni ito sa isang open forum ng mga estudyante na nagrtanong sa kanya kung ano ang kanyang maiaambag sa kampanya laban sa droga.

Hindi na naman nag-isip si Aling Leni. Basta lang maka-kontra. Mahaba pa ang gusto kong sabihin tungkol sa panukala ng bise presidente, pero sa ngayon, ito na muna: Halatang hindi na naman pinag-aralan ni Aling Leni ang usapin bago lumabas sa bibig niya ang kanyang sinabi.

Ang pag-decriminalize ng droga ay hindi pa napatunayang nagpigil sa paglaganap ng droga saan man. Tumaas lang ang bilang ng mga kabataan na sumubok ng droga, dahil nga hindi na ilegal sa kanilang lugar.

Pangalawa, hindi pa lubos na nasusubukan ang kasalukuyang "hardline stance" laban sa salot na ito sa lipunan dito sa ating bayan, ngunit sa ngayon ay nakikita na ang malawakang pagbabago sa sitwasyon sa lansangan.

At ang huli, hindi ba naisip ni Aling Leni na isa sa dahilan kung bakit patuloy na sinusuportahan ng malaking porsyento ng sambayanan si Duterte ay dahil sa kanyang kampanya laban sa droga? Mas gusto ba niyang lumabas na kinakampihan niya ang mga drug lord at mga bikitma nila, laban sa mga mas nakararaming Pilipino na nagpapasalamat at may pangulo na na nagbigay ng kahalagahan sa kanser na ito sa lipunan?

Pero nabulag na si Aling Leni ng kanyang kagustuhan na maagaw ang kapangyarihan. Hindi na niya naiisip na kalaban na niya halos ang buong bayan, na nagpapakita ng pagkamuhi nila sa patuloy na paglagapak ni Aling Leni sa mga survey.

At lalong hindi nakikita ni Aling Leni ang kanyang tunay na kalaban ay ang sarili niya: Ang kanyang ambisyon, ang kanyang bulok na pamululitika ang kanyang walang utak na pananalita.

Ituloy mo yan, Aling Leni. Tignan natin kung saan ka pupulutin.