Atty. Rivera Lectures Beauty Queen Mariel De Leon: Ang Totoong Reyna, Hindi Mapanglait

The newly crowned Binibining Pilipinas International 2017 Mariel de Leon is under hot water after her controversial tweet about the newly appointed Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson.
Mariel de Leon Bruce Rivera
Composite photos from Mariel de Leon/Instagram and Bruce Rivera/Facebook
Dismayed over Uson's appointment, De Leon noted that there are many other unbiased, educated and respected (respectful) people who deserved her place.

With regards to her contoversial remarks, a prominent lawyer and supporter of President Rodrigo Duterte, Atty. Bruce Rivera defended Uson's appointment while lecturing the young beauty queen.

READ ALSO: Rivera Slams UN Rapporteur Callamard: Your Kind Of Meddling Is The Reason Why Terrorists Are Born

In a Facebook post, Rivera said:

ANONG PROBLEMA KUNG SI MOCHA?

Marami ang nagagalit kay Mariel de Leon but I will not be one of them. Kailangan lang siguro bigyan ng paunawa ang batang ito bakit walang ganyan ang buhay.

Hija, hindi lahat ng may diploma, edukado. Hindi lahat ng banal, totoong malinis. Hindi lahat na nagmumura, bastos. May mga totoo pero tao at may nagkukunwari pero demonyo.

Alam mo Mariel, ang gumawa ng mga sobrang bastos na meme namin ni Mocha ay isang paring Dilawan. Isang alagad ng Diyos na kung mambastos sa amin, aakalain mo na gawain ng isang demonyo. Pero nagkukunwari at nagtatago sa isang pangalan.

Sino ang mas bastos? Yung lumalaban ng may mukha o yung lumalaban na nakatago ang mukha at humaharap sa yo na taong banal?

Bilang anak ng isang aktor dapat alam mo na hindi maliitin ang isang entertainer kasi mahirap ang trabaho sa entablado. Ikaw nga, sumemplang ka sa unang salang mo sa Bb. Pilipinas.

At bilang ASec sa PCO on Social Media, hindi kailangan na abogado o doktor ang pwede ilagay dito. Isipin mo, umabot ng 5 milyon ang followers ni Mocha sa Facebook. Hindi po madaling gawin yan. Kahit ako, hindi ko kaya. At madami akong diploma na pwedeng ipagmalaki.

Payo lang, Ineng. Ang totoong reyna, hindi mapanglait. Kung walang masabing maganda, tumatahimik na lang. Kasi ang tunay na kagandahan, hindi yung kumikinang na korona kundi ang kumikinang na puso.
On April 30, De Leon was crowned Binibining Pilipinas International. She's also the daughter of veteran actors Christopher De Leon and Sandy Andolong.