These Bible Verses Shared By Mocha Is Perfect To The People Who Questioned Her Appointment

Mocha Uson has final message to the people to questioned her appointment as Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary for Social Media.
mocha uson
Credit: Mocha Uson Blog/Facebook
Uson also thanked her supporters and the Lord for changing her life and making it more meaningful.

READ ALSO: Mocha Humbly Responds To Sen. Miriam's Sister Who's Not In Favor On Her Appointment As PCOO ASec

Below is Uson's entire Facebook post. Please read.

Bago po ako matulog ay gusto ko lamang pong magpasalamat sa inyo. Maraming salamat po sa mga sumusuporta at nagtatanggol po sa akin. Binabasa ko po ang lahat ng kumento ninyo. Maraming salamat po. Hindi po ako perpektong tao. Malagim ang aking nakaraan. Ako'y napariwara at may mga nagawa ako noon na aking pinagsisihan na. Dahil sa awa at pagmamahal ng Diyos, iminulat niya ang aking mga mata. Ibinulong niya sa aking puso na kahit Siya'y aking ilang beses nasaktan dahil sa aking mga kasalanan, Siya'y nandiyan pa rin nag-aantay lamang. Doon ko naintindihan ang sinabi sa Roma 2:4, "hinahamak mo ang mga kayamanan ng kaniyang kabutihan at pagtitiis at pagpapahinuhod, na hindi mo nalalaman na ang kabutihan ng Dios ay siyang umaakay sa iyo sa pagsisisi?". Dahil sa kanyang kabutihan ako ay nagsisi at nagbalik loob sa Panginoong Hesus. Kaya't ngayong ako'y nabigyan ng pagkakataon na gumawa ng mabuti, hindi ko po ito sasayangin. Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang pagsilbihan ang ordinaryong mamamayang Pilipino.
Hindi ko sasayangin ang tiwala ninyo. Mas mabuti pang kunin na lang ng Panginoon ang buhay ko kung kayo'y nanakawan ko. Maraming galit sa desisyon ng Pangulo na ako'y inappoint na PCOO ASEC FOR SOCIAL MEDIA. Dahil ako'y hindi karapat dapat at walang kwentang tao. Kaya't ako'y nagpapasalamat dahil meron tayong Pangulo na hindi mapanghusga ng kapwa tao. Wala po akong kayang ipagmalaki. Ang akin lamang pinanghahawakan ay ang salita ng Diyos--

1 Corinto 1:27-

27 Subalit pinili ng Diyos ang kamangmangan ng sanlibutan upang ipahiya ang marurunong. Pinili niya ang mga mahihina ng sanlibutan upang ipahiya ang mga malalakas. 28 Pinili ng Diyos ang mga mabababa sa sanlibutan at mga hinamak at mga bagay na walang halaga upang mapawalang halaga ang mga bagay na itinuturing na mahalaga.29 Ginawa niya ito upang walang sinuman ang makapagmalaki sa harap niya.
As of writing, more than 1,100 netizens commented on her post and it already generated more than 8,500 different reactions from her Facebook followers.