LOOK: Lawyer's Clear Explanation On What Martial Law Is Goes Viral

On Tuesday night, President Rodrigo Duterte declared martial law due to the attacks of Maute group at Marawi City, Lanao del Norte.
Duterte declares martial law
Composite image from Rappler and Trixie Angeles/Facebook
Prominent lawyer and one of the social media warriors of President Duterte, Trixie Cruz-Angeles clearly explained in a Facebook post what martial law is.

Kindly read her entire statement below.

Filipino translation.

Ano nga ba ang martial law?

Galing sa salitang "martial" na nangangahulugang "military," kapag nag deklara ng martial law, ang pag enforce ng batas, na gawain ng pulis ay ginagawa rin ng militar.

Ayon sa saligang batas, ang pangulo ay maaaring mag deklara ng martial law kapag may invasion o pinasok tayo ng mga dayuhan na may intensyong ipasailalim tayo sa kanilang lakas. Maaari rin ito kapag may rebelyon, In both cases dinedeklara lang kapag kinakailangan para sa kaligtasan ng publiko.

48 na oras matapos ideklara, kailangan ng Pangulo mag report sa Kongreso ukol sa naturang deklarasion. Maaaring personal or nakasulat ang nasabing report.

Maaaring mag-convene ang Kongreso sa loob ng 24 oras para mag botohan para bawiin ang deklaration. Ang kailangang boto ay majority ng magkasaling dalawang kamara.

Kung umpisahan ng Pangulo, maaari ring pahabain pa ang effectivity ng deklarasyon lampas sa 60 days kung sasangayunan ng Kongreso. Ang botohan nito ay pareho ng sa pag bawi ng deklarasyon.

Hindi po automatic na ma suspendi ang writ of habeas corpus kapag dineklara ang martial law.
READ ALSO: Veteran Journalist Blast Politicians And Partisans Who Sow More Hatred After Extremists Hits PH

In a separate post, Angeles added that there is a big difference from Marcos' declaration of martial law compared to today's declaration.

Ano po ang kinatatakutan sa pagdeklara ng martial law?

Marahil ay dahil nagugunita pa ang mga pangaabuso ng mga nasa kapangyarihan nuong kapanahunan ng batas militar sa administrasyon ni Ferdinand Marcos.

Nguni't nuong panahon na iyon, walang safeguards katulad ng nasa 1987 constitution.

Halimbawa, dati kapag suspendido ang writ of habeas corpus, maaaring matagalan ang detention ng isang tao bago makasuhan sa hukuman. Ngayon po, hanggang tatlong araw na lang maaaring malagay sa piitan ng walang charges. Ito ay ayon sa Saligang Batas ng 1987.

Dati ang mga hukuman ay military tribunals, kahit ang kinakasuhan ay sibilyan, kapag ang kaso ay rebelyon, sedisyon at iba pang mga krimen laban sa estado. Ngayon po, maliwanag ang saligang batas na ang deklarasyon ng batas militar ay hindi nangangahulgang magsasara ang mga civilian courts. Hindi po mapapasailalim ang isang sibilyan sa jurisdiction ng military tribunals.

Ngayon, ang deklarasyon ng batas militar ay maaaring ma bawi ng Kongreso. Ayon sa Saligang Batas mag convene ang dalawang kamara at ang majority vote ay maaaring magpa bawi ng deklarasyon.

Kung hindi man bawiin ng Kongreso, maaari ang kahit sino man mag hain ng petisyon sa Korte Suprema para mapasawalang bisa ang deklarasyon. Mapapasawalang bisa ang deklarasyon kung walang factual basis ito -- bibg sabihin wala naman talagang rebelyon. At ilalabas ng Pinakamataas na Hukuman ang resolusyon ng petisyon na ito 30 days malapias ang pag file ng naturang petisyon.

Hindi ibig sabihin nito walang possibility na may pangaabuso. Maaaring may manamantala rito. Ang pagkakaiba, ay ang technology, ang pagkakataon makahagilap ng ebidensya. Walang curfew po ang adults. Bukas ang mga hukuman. Bukas ang mga hall of justice, ang DOJ etc. Wala pong natanggal na pagkakataon maghain ng reklamo sa mga abusado.

Hindi po ito ang martial law o suspension of writ of habeas corpus ni Marcos. Malayo na po ang pagkakaiba
Meanwhile, President Duterte has cut short his official visit to Russia amid the ongoing firefight between government troops and a local terrorist group in Marawi City in Mindanao.

The President left Russia at 6:36 a.m. Wednesday (Manila time) and he is expected to arrive in Manila at about 4:30 p.m. today.