Election Lawyer on Pimentel's Latest Remarks About Bautista's Wealth: I Beg to Disagree

Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III said the wealth of Commission on Elections (Comelec) chairman Andres Bautista – whether earned 20 years ago or close to the 2016 elections – is not a “convincing proof” to discredit the results of the polls.
Lawyer disagree with Koko Pimentel's remarks
The PDP-Laban ruling president, Sen. Pimentel, on GMA's News To Go interview on Monday, said:

Ang alam lang natin, ang allegation [is] may malaking halaga sa bangko pero kailan pa ba yan, say 20 or 15 years ago na yan, walang koneksyon. Pero kung bagong pasok yan mga yan, posible nga tayong magkaron ng ganoong duda,.

Pero hindi pa rin yun proof, hindi pa rin yung convincing proof na may konesyon sa eleksyon yun.3.
However, an election lawyer and former politician, Atty. Glenn Chong, in a Facebook post, shared his thoughts over Sen. Pimentel's remark.

READ ALSO: LOOK: Payments that Tisha Makes to Comelec Chair Andres Bautista, with His Signature

Kindly read Atty. Chong's full statement below.

I BEG TO DISAGREE

Ayon kay Senate President Koko Pimentel, ang kayamanan ni Comelec Chairman Andres Bautista – kung kinita man niya ito 20 taon na ang lumipas o malapit sa halalang noong 2016 – ay hindi “convincing proof” upang pagdudahan ang resulta ng nasabing halalan.

Sang-ayon ako sa sinabi ni Sen. Pimentel kung ang isyu rito ay ang kayamanan lamang ni Bautista at wala ng iba pang mga isyu sa pagpatakbo ng halalan sa ilalim ng kanyang pamumuno.

Pero kung ang halalan sa ilalim ni Bautista ay nabalot ng maraming isyu tulad ng:

1. Pagkalikot sa transparency server ng mga tauhan ng Smartmatic;

2. Mariing pagtanggi sa hiniling na independent systems audit ng automated election system matapos kalikutin ito;

3. Maraming paglabag sa batas ng automated elections na nagtakda ng mga mandatory requirements upang mapangalagaan ang integridad ng resulta ng halalan;

4. Pagmaniubra ng lahat ng mga kontrata tungkol sa halalan pabor sa Smartmatic at pagbigay ng monopoliya nito;

5. Koneksyon ni Bautista sa Smartmatic; at,

6. Koneksyon ni Bautista sa partido ng mga dilawan,

ang isyu ng kanyang tagong yaman ay tiyak magkakaroon ng koneksyon sa halalan.

Dahil sa mga isyu at pangyayaring ito, dapat na talagang mag-imbestiga ang Kongreso upang mahalungkat ang hinahanap nilang “convincing proof” kung ito talaga ang gusto nila. Tama sina Sen. Tito Sotto at Sen. Grace Poe sa kanilang panawagan na imbestigahan si Bautista.

At kung kinita man ni Bautista ang P1.3 billion na yaman niya 20 taon na ang lumipas, bakit kapiranggot lang ang nasa SALN niya? Kung totoong kahalo rito ang mga ari-arian at pera ng kanyang dalawang kapatid at ina, ibig bang sabihin si Bautista ang may pinakamaliit na parte sa lahat dahil P173.6 million lang ang idineklara niya sa kanyang SALN o 13.35% lamang ng P1.3 billion? Kung ganun, hindi siya magaling na investment manager para ipagkatiwala sa kanya at pangalagaan ang kayamanan ng mga kapatid at ina niya dahil siya pa nga ang may pinakamaliit na yaman sa lahat. Hindi tumutugma ang kanilang istorya.