Fearless Lawyer Slams Senators Aquino and Hontiveros, says 'Gawain kaya ng LP yan'

"Kahit sino mang demonyo ang principal sponsor ng isang batas, hindi maipapasa yan kung hindi tumulong ang ibang senador na maipasa. Kung ganid ang ating pangulo sa kapangyarihan at katanyagan, madali niyang gawan ng paraan na hindi isang LP senator ang magiging principal sponsor ng isang importanteng batas. Pwedeng sa House mangagaling ang batas o di kaya pwede niyang kausapin ang mga senador na kaalyado nito na hwag muna ipasa ang batas at hintaying na may ibang version ang maipasa na hindi pangalan ni Bam o Risa ang nakalagay." -Atty. Bruce Rivera
Aquino-Hontiveros

A controversial statement of lawyer and social media blogger, Bruce Rivera, goes viral over the internet for slamming Senators Bam Aquino, Risa Hontiveros, and the rest of Liberal Party (LP).

The above mentioned statement was part of his Facebook post.

Rivera, a prominent supporter of President Rodrigo Duterte, also said:

Gawain kaya ng LP yan. Dati, kung hindi ka miyembro ng majority, swerte na kung naipasa sa first reading ang batas mo kahit gaano man ito kagaling. Hindi nila hahayaan na magpapogi ang iba. Sila lang.
Kindly read Rivera's full post below.

YELLOW CLIQUE

May nabasa akong talak ng isang dilawan sa Pinoy Ako Blog patungkol sa aking kaibigang si Kat De Castro matapos niyang icongratulate si PRD dahil sa pagpirma nito sa mga bagong batas sa free tertiary education at no deposit sa mga hospitals. Dapat daw kasi kay Bam Aquino at Risa Hontiveros ang papuri at hindi sa Presidente dahil sila ang principal sponsors ng mga batas.

Eto ang sagot ko sa kanila: Eh di ibigay sa kanila ang papuri. Ilagay natin sila sa pedestal at sambahin. Koronahan natin ng mga diamante at hiyas. Ipagbunyi sa kalangitan ang kadakilaan ng kanilang puso. Pero hindi yan ang dahilan bakit kami masaya
READ ALSO: 3 of the Most Important Things Lost During PNoy's Term Now Gradually Returned by Duterte

Kahit sino mang demonyo ang principal sponsor ng isang batas, hindi maipapasa yan kung hindi tumulong ang ibang senador na maipasa. Kung ganid ang ating pangulo sa kapangyarihan at katanyagan, madali niyang gawan ng paraan na hindi isang LP senator ang magiging principal sponsor ng isang importanteng batas. Pwedeng sa House mangagaling ang batas o di kaya pwede niyang kausapin ang mga senador na kaalyado nito na hwag muna ipasa ang batas at hintaying na may ibang version ang maipasa na hindi pangalan ni Bam o Risa ang nakalagay.

Gawain kaya ng LP yan. Dati, kung hindi ka miyembro ng majority, swerte na kung naipasa sa first reading ang batas mo kahit gaano man ito kagaling. Hindi nila hahayaan na magpapogi ang iba. Sila lang.

Pero hindi ganyan ang pag-iisip ni PRD. Wala siyang pakialam kung sino ang may akda nito dahil kung nakakatulong sa bayan ang isang batas kasehoda pang si Lucifer ang gumawa nito, suportado ito ni PRD.

Hindi namin inaalis kina Bam at Risa na angkinin ang tagumpay kasi trabaho nila yan at ginawa nila ng tama. Pero sana naman ay hwag niyo ding ipagkait sa amin ang ipagbunyi ang ating Pangulo dahil hindi siya naging ganid sa kapangyarihan at pinili niyang pirmahan agad ang mga batas na nakakabuti sa karamihan ng mamayang Pilipino kahit gawa pa ito ng mga dilawan.

May pinuno po tayong totoong namumuno. Yun po ang ipinagbubunyi namin.