History Professor on CA Rejection of Taguiwalo: They Need a More Dishonest DSWD Secretary

A interesting yet controversial thoughts from De La Salle University History Professor about Commission on Appointments (CA) rejection to Social Welfare and Development Secretary Judy Taguiwalo goes viral on social networking site, Facebook.
Judy Taguiwalo
Below is Prof. Van Ybiernas Facebook post. Please read.

I have already criticized Congress and the CA for rejecting Judy Taguiwalo's appointment.

I want to balance the perspective din, in fairness to our corrupt politicians.

Yes, these Congressmen are corrupt, only because they have to be. They need a more dishonest DSWD secretary, someone like Dinky Soliman.

Why? Because they need the money. To win elections. Nobody wins elections in the country without money. And DSWD money is a great source because it can be used to buy votes of our poor and impoverished countrymen.

Kada may bagyo o trahedya na kailangan ng tulong ng pamahalaan sa pamamagitan ng DSWD, kailangan umepal ang mga pulitiko kasi paalala yun sa mga pobreng botante na sila ang iboto sa eleksyon dahil sila ang tumulong sa oras ng sakuna o trahedya.

Mahirap din masisi ang mga pobre nating kababayan. Nawawala ang prinsipyo kapag kumakalam ang sikmura. At kung di sila bibigyan ng mga nakaupong pulitiko, iboboto nila kung sino man ang makakapagbigay sa kanila.
READ ALSO: DSWD ASec Reveals The Alleged Real Reason Why CA Rejects Taguiwalo’s Appointment
Noong 2013 eleksyon, nagkasunog sa Baseco. Namigay ang noo'y Mayor Alfredo Lim ng tig-isandaang piso sa mga nasunugan. Isa o dalawang araw ang nakalipas, namudmod naman ng tig-200 piso si Erap na kandidato din noon. Hindi na rin siguro aksidente na tinalo ni Erap si Lim sa eleksyong iyon.

Kahirapan ang ugat ng problema. Kaya napipilitan ibenta ng tao ang boto nila. Kahirapan din ang dahilan kaya't napipilitan ang pulitiko na bilhin ang boto ng tao. Tanungin nyo sina Risa Hontiveros bakit siya nanalo ngayon at talo sa nakalipas na eleksyon. Tanungin si Tesdaman Joel Villanueva bakit siya nasa top 3 sa eleksyon.

Kahirapan ang problema.

Na AYAW din solusyunan ng mga pulitiko kasi sure-win sila sa eleksyon kapag maraming mahihirap na botante. Kapag medyo middle class na ang bumoboto, di mo na matantiya kung mananalo ka o hindi. kaya between isang middle class voter at pulubing botante, mas gusto ng pulitikong may pera ang mga pulubi. Kaya hindi rin nila talaga seryosong hinahanapan ng solusyon ang problema ng kahirapan.

So ayun, ayaw ni Manay Judy na umepal ang mga pulitiko sa paggamit ng pera ng DSWD para matulungan ang mga naghihirap na kababayan, kaya't rejected siya.

Ano ang solusyon? Hindi naman pwede tanggalin ang kongreso. Marami din aalma. kailangan pa rin ng pangulo ang mga lokal na pulitiko para maipatupad ang mga programa nya sa pamahalaan. Pero, hangga't kayang bilhin ng pera ang eleksyon (di ba Risa Hontiveros?), di mawawala ang problema natin. Parang sa Customs lang yan. Kahit sino umupo, nasisilaw. Pulitiko sila e. At pera ang kailangan sa pulitika.

Mawawala lang ang ganitong problema kung kokonti ang mahihirap sa bansa. kaso mo, ayaw nga ng mga pulitiko ---lalo na sa mga dakong ARMM (hello Marawi!) at iba pang mahihirap na rehiyon ng bansa--- na umunlad ang buhay ng mga mamamayan kasi ang mga mahihirap ay hawak sa leeg ng pulitiko.

Yan ang mapait na katotohanan sa ating bansa