Abogado ni Pulong, tinukoy ang dahilan kung bakit "hate" ni Trillanes si Duterte

Noong Webes, Setyembre 7, inilahad ng abogado ni Davao City Mayor Paolo "Pulong" Duterte ang dahilan kung bakit kung anu-anong alegasyon ang pinupukol ni Senador Antonio Trillanes IV kay Presidente Rodrigo Duterte pati na rin sa mga myembro ng kanyang pamilya.
President-Duterte-Antonio-Trillanes
Sa panayam ng mga reporters kay Atty. Rainier Madrid, sinabi nito na kaya galit si Trillanes sa Pangulo ay dahil hindi siya ang pinali nitong maging running mate noong 2016 eleksyon.

It's his job to destroy the President.

His propaganda is [that] the President is the drug lord, is the corrupt, and is the killer.

That has always been his thesis all along because he hates the President, because he wasn't chosen as his vice president. Understandable.
Si dating Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ay nagsisilbi bilang Secretary of Foreign Affairs ang napiling maging running mate ni Presidente Duterte noong nakaraang eleksyon.

Sa anim na tumakbo bilang Bise Presidente noong 2016, pang-lima sa pwesto si Trillanes. Si Leni Robredo ang nanalo bilang bise. WATCH: Lawyer of VM Duterte to Trillanes: I know how this guy plays his game

Samantala, nito ring Webes ay inakusahan ni Trillanes na kabilang si VM Duterte sa Chinese triad, isang organized crime syndicate. Nagpakita din siya ng mga diumano'y bank accounts ni Mans Carpio at Duterte na nagkakahalaga ng mahigit P100 milyong piso ang bawat isa.

Pinabulaanan naman nina Carpio at Duterte ang mga nabanggit na bank accounts. Hindi rin pumayag si Duterte sa gustong mangyari ni Trillanes na ipakita ang kanyang tattoo sa likod na diumano'y magpapatunay na siya ay kabilang ng triad.

Source: GMA News