Beautiful Teen Mom: Hindi porket maagang nabuntis wala ng pangarap sa buhay

Isang batang ina ang nagbahagi ng kanyang buhay na agad na nag-viral sa social media nang kanyang i-kwento ang karanasan ng pagiging ina sa mura niyang edad. Ibinahagi rin nya ang kanyang saloobin sa mapang-husgang tingin sa kanya ng ibang tao.
Shayn-Mangilin
Hindi talaga biro ang maging batang ina. Maraming hirap ang pagdadaanan at halos araw-araw ay iba-iba ang iyong mararanasan. Ramdam yan ni Shayn Mangilin, ang batang ina na nag-viral ang Facebook post nang kanyang ibahagi ang naging karanasan matapos isilang ang kanyang pinaka-mamahal na supling.

Ngunit gayon pa man, matapang na hinaharap ni Shayn ang buhay. Sa kabila ng mapang-husgang tingin sa kanya ng iba, patuloy siyang lumalaban sa hamon ng buhay at nagiging malakas para sa kanyang anak.

Aniya,

Hindi biro maging isang batang ina, tama nga sila. Pati sarili mo makakalimutan mo na. Make up araw araw napalitan ng wake up sa madaling araw. Mawalan na ako ng oras sa pagpapaganda, wag lang akong mawalan ng oras sa aking pamilya. Gising magdamag, naglalakihang mga eyebag, palaging puyat, may panyo lagi sa balikat, masakit na braso dahil palaging may buhat at ipinaghehele, hindi makalabas ng bahay dahil oras oras nagpapadede, marami na talagang hindi pwede dahil marami ng bagay na sayo nakadepende. Madaling nagigising kapag umiiyak ang supling, pag ang anak ay sinusumpong minsan malilipasan ka na ng gutom. Ganyan talaga ang isang ina, kung mag-alaga sobra sobra. Minsan nga nakakalimutan mo na magsuot ng bra. Halos lahat naman eh diba? Ganun talaga. Minsan kapag naliligo tinitignan ang katawan, puro kamot sa iba't-ibang parte ng katawan, naiwang taba sa tiyan, talagang ganyan. Pati sarili mo napapabayaan. Yung anak mo, pwede mo ba siyang titigan? Kausapin mo siya lagi kahit hindi ka niya naiintindihan. Pinaghirapan mo siya ng siyam na buwan. Marami pa kayong pagdadaanan. Kahit ano man ang iyong nararamdaman. Kahit husgahan ka pa ng karamihan. Isa lang ang masasabi ko diyan. Wag niyo akong husgahan sa konti niyong nalalaman. Oo kilala niyo ako sa pangalan pero hindi niyo alam ang hirap kong pinagdaanan para lang maging the best na ilaw ng tahanan. Kahit ilang beses niyo pa akong husgahan. Ako yung ilaw na hindi mapupundi kahit kailan ❤
Dagdag pa niya, "hindi porket maagang nabuntis wala ng pangarap sa buhay."

Oo maaga akong nagkaanak, pero hindi porket maagang nabuntis sinira na ang buhay. Hindi porket maagang nabuntis wala ng pangarap sa buhay. Bawal man magresign sa pinasok kong hanap buhay.Pagusapan man nila ang aking talambuhay, hindi nila mababago ang pagmamahal ko sa pamilya ko na panghabangbuhay. Minsan lang tayo mabuhay kaya wag nating pagtuunan ng pansin ang mga taong walang kabuhay buhay at magfocus tayo sa mga mahal natin sa buhay.

Masama man ang tingin sa akin ng iba. Magiging mabuti pa din akong ina para sa aking pamilya
Bago matapos ang kanyang isinulat, pinayuhan nya ang mga makakabasa nito na huwag siyang tularan sa pagkakaroon ng anak sa murang edad.

PS: Wag niyo akong tularan sa pagkakaroon ng anak sa murang edad. Tularan niyo ako sa pagharap sa responsibilidad at pagalaga sa blessing na ibinigay ni Papa God 😊