Ben Tulfo to Sen. Kiko: Ikaw ang dahilan ng problema, Wag ka nang maghugas kamay!

Viral ngayon ang video ng batikang TV at radio personality na si Ben Tulfo kung saan siya ay naglabas ng saloobin hinggil sa isyu ni Sen. Francis Pangilinan na nag-file ng Senate Resolution 516 na humihimok sa gobyerno na itigil ang mga "walang kabuluhang" pamamaslang, "lalo na ng mga bata".
Ben Tulfo-Kiko Pangilinan
Pitong senador ang binatikos kamakailan sa social media dahil sa diumano ay di nila pagsang-ayon dito, ngunit ang totoo'y hindi talaga nakarating sa kanilang mga opisina ang nasabing resolusyon upang mapag-aralan man lang. Kabilang sina Sen. Aquilino "Koko" Pimentel III, Vicente Sotto III, Manny Pacquiao, Richard Gordon, Cynthia Villar, Gregorio Honasan at Miguel Zubiri sa mga nasabing senador na binatikos nitong mga nakaraang araw sa social networking site, Facebook.

Bagama't humingi na ng paumanhin si Sen. Pangilinan at hindi daw niya sinasadyang i-exclude ang pito, hindi pa rin napigilang mag-komento ni Tulfo sa naturang ginawa ng senador.

Ayon sa kanya, dapat daw ay "hambalusin" ni Pangilinan ang "dilawang blog" na siniraan ang pitong senador na hindi nagkaroon ng pagkakataong pumirma sa senate resolution ni Pangilinan.

Dagdag pa ni Tulfo, naghuhugas kamay umano si Pangilinan at itinuturo ang sisi sa "dilawang blog" na ayaw na niyang banggitin ang pangalan dahil baka raw sumikat pa.

Dapat daw ay sinsero itong humingi ng paumanhin at ayusin agad ang sigalot na kanyang ginawa.

BASAHIN DIN: Furious Pinay to Bam and Risa: Grabe ang garapal, Sobra lang ang pagiging manipulative!

Narito ang pahayag ni Tulfo sa naturang usapin na kasalukuyang naka-upload sa Facebook page ng BITAG Live. Panoorin din ang video sa ibaba na naglalaman ng kanyang kumpletong pahayag.
SEN. KIKO, LUHOD AT HUMINGI KA NG PAUMANHIN!
(Hambalusin mo ang dilawang blog! Ikaw ang dahilan ng problema.)

Pitong kabaro mo, galit sayo. 'Wag ka nang maghugas kamay. Sinserong humingi ka ng paumnahin! Nagkulang ka, tuwirin mo ito kung ayaw mong umamin sa pagkakamali.

'Wag kang Kiko-Patay-Patay! Listo! Ayusin mo agad ang sigalot na ginawa mo. Tigil na ang ngawa, sige gawin mo na.

BITAG LIVE (SEPTEMBER 28, 2017)
SEN. KIKO, LUHOD AT HUMINGI KA NG PAUMANHIN! (Hambalusin mo ang dilawang blog! Ikaw ang dahilan ng problema.) Pitong kabaro mo, galit sayo. 'Wag ka nang maghugas kamay. Sinserong humingi ka ng paumnahin! Nagkulang ka, tuwirin mo ito kung ayaw mong umamin sa pagkakamali. 'Wag kang Kiko-Patay-Patay! Listo! Ayusin mo agad ang sigalot na ginawa mo. Tigil na ang ngawa, sige gawin mo na. 'Wag lang i-LIKE, i-SHARE din ang page at bawat episode!
Posted by BITAG Live on Wednesday, September 27, 2017