Diskarte ni Pres. Duterte para mahuling nagsisinungaling si Trillanes, Inilahad!

Sa isang panayam sa PTV 4, inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na maling bank account number ang sinabi niya na pagmamay-ari umano ni Senador Antonio Trillanes IV.
Duterte
Ani Pangulong Duterte,

Ang binasa ko, 1780-00296-01-2 so ‘yan ang binigay niyang number. Binawasan ko ng number. Wala ito, imbento lang.  Ikaw Trillanes, you know when you lie, you put another lie to cover this lie then to cover this lie, you put another lie, patong-patong na ‘yan.

Tinanggalan ko talaga, sinadya ko yan.  Ibig sabihin, peke lahat ‘yan.  Pati ito.  Hindi magbigay yan.
Iyan ang diskarte ng Pangulo para mahuling nagsisinungaling ang senador. Dagdag pa ng niya, ang tamang account number raw ay yung binasa ni PCOO ASec. Mocha Uson at ni Erwin Tulfo na 11780-00281-60-2.

BASAHIN DIN: Blogger's reaction on Trillanes' latest trip: So there must be something there

Hindi rin daw dapat galing sa Pilipinas ang waiver na ginamit ni Trillanes, kundi sa Singapore para tanggapin ng bangko.
11780-00281-60-2 ito ang correct. Itong waiver niya ang hindi, tapos dito sa Pilipinas. Eh ‘di magwaiver ka dun ka sa Singapore, pumunta ka ng abugado don at baka papayag sila.

Kita mo siya ngayon. He’s desperate. Pumunta ng Singapore, mag-gastos lang para propaganda lang.

May ilalabas pa ako sabi ko, this time yung mga joint account mo kasi hindi mo ilalabas ‘yan kasi kung wala ang pangalan ng depositor sa waiver mo. Iho, hindi papayag ang bangko.  Lahat ng deposito mo, may co-depositor.  Chinese nga karamihan.
Ilang beses na rin daw nagpabalik-balik si Trillanes sa Singapore para isara ang ibang bank accounts niya.

Actually September pa Trillanes, bumabalik ka na sa foreign government, September pa pabalik-balik ka na sa Singapore banks. ‘Yung ibang bank accounts mo, kinlose mo. Ibigay ko yung number na tama, teka lang.
Nanindigan pa rin si Pangulong Duterte na may offshore accounts si Trillanes. Ang mga sources umano niya ay mismong gobyerno ng ibang bansa. Hindi lang niya ito mailabas pa sa ngayon.

Samantala, nitong Lunes ay lumipad patungong Singapore si Trillanes upang puntahan ang mga bankong ipinaratang ni Pangulong Duterte kung saan may mga bank accounts siya.

Agad naman siyang nagtungo Martes ng umaga sa DBS Bank – Alexandra branch sa Singapore kung saan mayroon daw siyang higit $193,850 singaporean dollars pero hindi siya binigyan ng certificate dahil hindi raw siya kliyente rito.

Source: News 5