Former Editor-in-Chief: Tigil-tigilan nyo na yang "Diktaduryang US-Duterte" na yan

Nalalapit na ang Setyembre 21 kung saan magkakaroon ng malaking kilos-protesta diumano ang mga kritiko at mga kontra sa giyera laban sa ilegal na droga ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ilang kilalang mga personalidad na din at mga senador ang nagpahayag ng kanilang suporta sa nasabing rally sa darating na Huwebes.
rally
Ngunit isang kilalang taga-suporta ni Pangulong Duterte at dating Editor-in-Chief ng Manila Standard ang naglabas ng kanyang saloobin tungkol sa nasabing kilos-protesta na mabilis na nag-viral at sinang-ayunan naman ng ilang mga netizen.

Sa isang Facebook post, sinabi ni Jojo Robles na:

Tigil-tigilan nyo na yang "Diktaduryang US-Duterte" na yan. Lalo na kung naisip nyo lang yan dahil hindi na-confirm ang mga kapanalig nyo sa Cabinet.

Aminin nyo na lang: Kahit magkaroon ng junta dito na pinamumunuan ni Marx, Lenin at Mao, yan pa din naman ang ipaparatang nyo sa kanila e.

Sa lahat ng naging pangulo, ito lang ang pumalag sa US. Pero wala pa din sa inyo, tuta pa din ng Kano.

Kayo na lang lagi ang makabayan. Di ba pwedeng karaniwang mamamayan naman, hindi lang kayong may dalisay at purong ideolohiya, ang magkaroon ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
BASAHIN DIN: A must read message to Priests and Nuns who calls for a rally against Duterte went viral!

Hindi naman napigilan ng ilang netizens na mag-react.





Sa ngayon ay mahigit 2,500 reactions at 900 shares na ang inabot ng Facebook post ni Robles.