Former Scout Ranger: Dahil sa Liberal Party naging narco state tuloy tayo

Isang mainit na pahayag mula sa dating scout ranger ang mabilis na kumakalat sa social networking site na Facebook. Ito ay may kaugnayan sa organisasyong Tindig Pilipinas, ang mag-oorganisa sa nalalapit na kilos-protesta sa darating na Huwebes, Setyembre 21.
Tindig Pilipinas
Kabilang sina Senador Risa Hontiveros, Antonio Trillanes IV at Francis Pangilinan sa nagpahayag ng kanilang suporta sa naturang organisasyon. Hinihimok ng grupong ito ang mga Pilipino na maging mapagbantay tungkol sa mga paglabag sa karapatang-tao sa bansa.

Kinuwestyon naman ni Ginoong Abe Purugganan ang ipinaglalaban ng Tindig Pilipinas. Ayon sa kanya, kay Pangulong Rodrigo Duterte Duterte tumitindig ang Pilipinas. Dahil din daw sa Liberal Party ay naging narco-state diumano ang bansa.

BASAHIN DIN: Former Scout Ranger exposed the Groups who allegedly want to oust President Duterte

Narito ang kabuuang Facebook post ni Purugganan tungkol dito.

Anong tindig? Anong karahasan?

Kay Duterte tumitindig ang Pilipinas hindi sa oposisyon na nagpadapa at inilugmok ang ating bayan sa ilegal droga. Dahil sa Liberal Party naging narco state tuloy tayo.

Ang ilulong ang mahigit na 3 milyon ng ating mamamayan sa ilegal na droga ay karahasan. Ito ay matinding karahasan at pagkaalipin na ginawa ng Liberal party sa milyong milyong Pilipino na adik at ang kanilang mga biktima.
Sa iba namang Facebook post, sinabi din ni Purugganan na:

Our people feel secure on the war on drugs. Only pushers, couriers, addicts and protectors are afraid.
Samantala, nilinaw naman ng Pangulo na hindi "holiday" ang Setyembre 21 kung hindi "day of protest".

September 21 is not a holiday. I have declared it as a Day of Protest. All those who want to protest against the government, the police, everyone… you go down and we will protest.

Even we from the government, we will protest because our salaries are low. We do not have equipment. We do not have allowance. Let us protest (against) our government together. There will be no work. If those from the government want, there are unions… they should participate.