Maari Kayong Makaiwas sa Magnanakaw Kung Ito ang Laman ng Inyong Bag

Viral ngayon ang post ng isang netizen na nagbigay ng babala sa mga dumadaan sa Katipunan overpass. Ang sabi ni JC Examen, may nagtangka daw magbukas ng bag niya ngunit tila nagulat ang nagtangkang magnanakaw ng makita ang laman ng kanyang bag.
So may nagtry magbukas ng bag ko sa Katipunan Overpass pero nagulat ata siya sa nakita nya??!! Pisti!!

Tinangka pero hindi kinaya... ano mapupulot mo sa Pulbos ko (sikreto ng mga gwapo) at ng mga jollibee catsup na ninenok ko kanina??? Magtrabaho kayo pisti!! Ingat ingat na lang kayo dito.
Maraming netizen ang naaliw sa post ni Examen, ito ay dahil na rin sa kakaibang ideya na naisip niya kaya walang nakuha ang nagtangkang magnakaw sa bag niya.
Bukod kasi sa pulbos at jollibee catsup na nakalagay sa kanyang bag, may isinulat din siya sa isang puting papel na "WALA AKONG PERA".


Ito marahil ang dahilan kung bakit mabilis na nag-viral ang Facebook post ni Examen.

Sa ngayon, umabot na ang sa mahigit 6,400 shares, 15,000 reactions at mahigit 400 comments ang kanyang post.

Source: JC Examen/Facebook