Lawyer on Trillanes-Mocha issue: Tayo na ang susunod na patatahimikin

Isang pahayag mula sa kilalang taga-suporta ng Pangulo ang mabilis na kumalat sa social media. Ito ay may kaugnayan sa mga kasong isinampa ni Senador Antonio Trillanes IV kay Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson nitong Biyernes sa Office of the Ombudsman dahil sa umano'y pagpapakalat nito ng "fake news" tungkol sa offshore accounts ng senador.
Trillanes-Mocha
Ani Atty. Bruce Rivera, ito ay isang pag-atake sa social media ni Trillanes na nagnanais na patahimikin ang malayang pagpapahayag.

Dagdag pa niya, kontrolado diumano ng ibang mga tao ang mainstream media kaya ang ibang pro-Duterte supporters ay sa social media na lang daw nakakabawi. Unfair din daw ang mainstream media sa mga supporters ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Guys, dito na lang tayo nakakabawi. Kontrolado nila ang mainstream media. Nakita niyo ba na nababalita ang any positive representation ng mga DDS. Wala po. Social media is able to neutralize the discussion. Nakakita ba kayo ng host ng any news program na openly pro-Duterte? May kakaunti but their content is controlled. Mainstream media is unfair to the DDS.
BASAHIN DIN: Blogger to rude ABS-CBN stringer: Sumosobra na ang kabalahuraan mo

Narito ang kabuuan ng Facebook post ni Rivera. Pakibasa.

THIS IS NOT ABOUT MOCHA

Alam ko na madami sa mga kaibigan ko ang nabwibwiset kay Mocha. In the same way na madami din ang nabwibwiset sa akin na tao. Normal yan.

But by supporting calls for Mocha to resign or wishing for her to be imprisoned is actually sending the wrong message. This is not an attack on Mocha. This is an attack on social media by Trillanes who wants to silence free expression.

Guys, dito na lang tayo nakakabawi. Kontrolado nila ang mainstream media. Nakita niyo ba na nababalita ang any positive representation ng mga DDS. Wala po. Social media is able to neutralize the discussion. Nakakita ba kayo ng host ng any news program na openly pro-Duterte? May kakaunti but their content is controlled. Mainstream media is unfair to the DDS.

Trillanes is trying to silence pro-Duterte bloggers starting with Mocha while attacking anyone connected with Duterte using his immunity as shield. If he is successful in removing Mocha from the present status quo with your help because you happen not to like her, then do not blame us if there will come a time that even your blogs will be regulated and censored by bullies like Trillanes.

Hindi perfect si Mocha. Hindi naman niya sinasabing perfect siya. Alam niyo na wala ako sa inner circle of bloggers na malapit kay Mocha. Pero tayong lahat na nasa social media ang pinaglalaban namin lalo na si Mocha. Fake news man o hindi, hindi yun sapat para ipako siya sa cruz kasi walang tayong obligasyon maging exact and impartial sa mga posts natin. Blogs lang ito. Personal opinions na mali o hindi, peke o totoo. Ang mainstream media ang dapat may ganung obligasyon. At kung natutupad yun ng mainstream media, dun na sana kayo maging mapanghugsa sa mga bloggers tulad ni Mocha.

Entertainer lang siya. Bakla lang ako. Pero lahat tayo Pilipino. May sariling opinyon. Hindi news ito. Opinyon ang blog hindi news. So, kung hahayaan ninyo na magtagumpay si Trillanes na patahimikin si Mocha dahil kakasuhan at ihaharass, ipasara niyo na lang din ang social media. Kasi tayo na ang isusunod na patatahimikin.