Nakakatawang paghaharap nina Kaladkaren at ng tunay na Karen Davila, Panoorin!

Kamakailan lang ay nag-viral ang video ni Kaladkaren, impersonator ng mamamahayag na si Karen Davila, kung saan kanyang ini-report ang kanilang pagtawid sa ilog ng Tanay, Rizal. Maraming natuwa sa kanyang panggagaya kay Davila at maraming netizens ang nagre-request na sana daw ay magkaharap ang dalawa.
Karen Davila vs. Kaladkaren
PANOORIN: Viral Video ni KaladKaren Davila, Umaliw sa Maraming Netizens!

Dahil sa pangyayaring iyon, si Kaladkaren, nitong Biyernes Setyembre 22, ay naimbitahan sa 'Pasada Sais Trenta' sa DZMM TeleRadyo kung saan host sina Karen Davila at Vic Lima.

In-upload sa Facebook page ng ABS-CBN ang video ng paghaharap ng dalawa at sa ngayon ay umabot na sa mahigit 10,000 ang nag-share sa naturang video.

Sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap ay tumawag si Boy Abunda kay Karen Davila at sinabing tutulungan niya si Kaladkaren sa kanyang 'contract' upang magkaroon pa ng mga proyekto. Bukod sa pagiging television host, si Abunda rin ay isang kilalang talent manager.

Nag-text din si Senador Panfilo 'Ping' Lacson kay Karen Davila at sinabing 'funny' daw si Kaladkaren at 'kuhang-kuha' daw niya ang panggagaya kay Karen. Panoorin ang video ng paghaharap nina Kaladkaren at ni Karen Davila.


May espesyal na bisita sina Karen Davila at Vic Lima sa 'Pasada Sais Trenta' sa DZMM TeleRadyo kanina. Ito ay walang iba kundi ang impersonator ni Karen na si 'KaladKaren Davila.'
Posted by ABS-CBN News on Friday, September 22, 2017