Napagkamalang Police Intel, kinuyog ng mga militanteng grupo!

Binugbog ng mga raliyista ang isang lalaki na kapitan ng barko nang siya ay mapagkamalang police intel ng mga militanteng grupo na nagsagawa ng kilos protesta sa TM Kalaw Ermita, Manila.
melchor duran
Ayon kay Capt. Melchor Duran, nakiusyoso lamang siya sa ginagawang kilos protesta ng mga katutubo at militanteng grupo nang siya ay bigla hinatak at pinagsisipa ng mga mga ito.

Agad namang naawat ng mga pulis na naka-deploy sa lugar ang pangyayari kaya hindi nabugbog ng husto ang kapitan. Bukol sa ulo at mga pasa sa katawan ang tinamo ni Duran. BASAHIN DIN: Former Scout Ranger exposed the Groups who allegedly want to oust President Duterte

Plano ng kapitan na magsampa ng kasong physical injury laban sa mga nanakit sa kanya sa General Assignment Divison ng Manila Police District (MPD).

Source: RNM News