Netizen hits Politicians after AMLC denies giving reports on Duterte bank records

"Ibang klase talaga ang PANLOLOKO AT PANLILINLANG ng mga ganid na politiko ng partido Liberal!" Iyan ang nasabi ng isang netizen matapos maglabas ng pahayag nitong Huwebes, Setyembre 28, ang Anti-Money Laundering Council o AMLC na nagsasabing hindi sila nagbigay ng anumang paunang ulat kay Overall Deputy Ombudsman Arthur Carandang tungkol sa mga bank records ni Pangulong Rodrigo Duterte.
AMLC Duterte

Sa Facebook post ni Mark Lopez, isang negosyante at social media influencer, kinastigo niya ang mga nais mapatalsik sa pwesto ang Pangulo at i-pinost ang opisyal na pahayag AMLC, taliwas sa mga naunang naging pahayag ni Carandang sa ABS-CBN kung saan ibinigay umano ng AMLC ang transaction records ng Pangulo sa Ombudsman noon pang nakaraang taon.

Narito ang kabuuang post ni Lopez. Pakibasa.

Eto na!

Sabi ko na eh!

Malinaw na malinaw mga kababayan ko!

Kagaya ng sinabi ko sa post ko kanina.

AMLC has now denied that it submitted an initial report to deputy ombudsman Arthur Carandang.

At sinabi ng council na erroneous ung Duerte bank statement na binigay ni Antonio Trillanes!

Ibang klase talaga ang PANLOLOKO AT PANLILINLANG ng mga ganid na politiko ng partido Liberal!

Sadyang napakawalanghiya nitong mga ito na ang tunay na balakid ay ang patalsikin sa puwesto ang ating pangulo...

Mga tarantado!

#GalawangDilawan
#MgaTraydor
Mabilis na nag-viral ang naturang post ni Lopez at sa ngayon ay umabot na ito sa mahigit isang libong shares.

Sa isa namang hiwalay na Facebook post, nauna nang sinabi ni Lopez na "hindi gawain ng AMLC na basta na lang maghahayag ng kanilang reports o findings, lalu na kung ito ay preliminary o initial pa lang."

Samantala, sa interview ng ABS-CBN kay Carandang nitong Miyekules, Setyembre 27, sinabi nito na,

We can confirm that we received bank transactions from AMLC, bank transactions generated by AMLC.
Ayon pa sa kanya, base sa naturang bank records na nakalap ng AMLC, may daan-daang milyong pisong halaga diumano ng mga transaksiyon sina Pangulong Duterte at kaniyang mga anak sa iba't ibang bangko mula taong 2006 hanggang 2016.

Nilinaw pa ng Deputy Ombudsman na labas-pasok ang transaksiyon sa accounts na ito sa loob ng mahabang panahon kaya't mahirap ding matukoy kung magkano talaga ang kabuuang deposits.

Yong billions kasi baka in-add nila 'yong lahat ng transactions, may P20 million, P20 million, P20 million, P16 million. Kapag in-add mo siguro 'yan, aabot ng billion. Ang dami... P40 million, P40 million, several P40 million, P200 million kaagad ito. 'Yong iba P50 million... Ang dami.
Ang listahan umano ng bank records ay may kaugnayan sa inumpisahang imbestigasyon ng Ombudsman noong 2016, bunsod ng alegasyon ni Senador Antonio Trillanes IV na may tagong-yaman si Pangulong Duterte.