Netizen sa batang pinatay: Pasensya na baby, walang senadora na makikiramay sa pamilya mo

Isang nakalulungkot na balita tungkol sa pagpatay ng isang lalaki sa 2-taong-gulang na bata ang ngayon ay usap-usapan sa social media. Ayon sa report ng ABS-CBN News, inamin diumano ng suspect, tiyuhin din ng biktima, na dinala niya sa hotel ang pamangkin at pinainom ng gatas na may halong pintura bago ito halayin at saksakin hanggang sa mamatay. Kinumpirma naman ng nanay ng biktima na dating gumagamit ng ilegal na droga ang kanyang kapatid.
batang pinatay ng tiyo
Ngunit, isang post sa Facebook tungkol sa balitang ito ang pumukaw sa damdamin ng maraming netizen.

Humingi ng tawad at pasensya sa batang walang-awang pinatay si MJ Quiambao Reyes, isang social media blogger at kilalang supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte, kung wala raw senadora na makikiramay sa kanyang pamilya, magtatawag ng malawakang protesta sa EDSA o hihingi ng hustisya para sa kanya at sa marami pang iba na naging biktima ng mga hayok sa illegal na droga.

Tiyak raw na mag-uunahan ang mga ito na magpunta sa lamay ng bata kung sana'y hindi pa tukoy kung sino ang pumaslang sa kanya o kaya naman ay kung rogue cop ang tiyuhin niya at hindi basta adik. Baka maari pa raw ibintang sa gobyerno at magamit na naman laban sa Pangulo.

BASAHIN DIN: Reporter sa napatay na Pulis Caloocan: Pasensya na, walang senador na mag-eemote para sayo

Narito ang kabuuan ng Facebook post ni Reyes.
ANOTHER POOR, HELPLESS VICTIM OF A DRUG-CRAZED CRIMINAL

Patawad at pasensya na baby kung walang senadora na makikiramay sa pamilya mo at kung wala sa kanila ang magtatawag ng malawakang protesta sa EDSA kontra kriminalidad at droga o hihingi ng hustisya para sa iyo at sa marami pang iba na naging biktima ng mga hayok sa illegal na droga..  😢

Kung sana rogue cop ang tiyuhin mo at hindi basta adik, o kung sana hindi pa tukoy kung sino ang pumaslang sa iyo at pwede pa'ng ibintang sa gobyerno at magamit na naman laban sa Pangulo, tiyak nagkukumahog na sila ngayon, nag iingay, at nag uunahan papunta sa lamay mo. 😢
Matatandaan na sa lamay ni Kian delos Santos, ilang senador kabilang na si Risa Hontiveros, Bam Aquino at Senador Antonio Trillanes ang dumalaw sa burol ng binatilyong napatay ng mga pulis habang nagsasagawa ng anti-drug operation sa Caloocan City. Dumalaw rin si Bise Presidente Leni Robredo sa burol ni delos Santos.

Ilang grupo din ang nagsagawa ng kilos protesta laban sa kampanya kontra ilegal na droga ng gobyerno na humihingi din ng hustisya sa pagkakapatay kay delos Santos. Ilang mga pari, kabataan at mga kilalang aktibista ang lumahok dito.

Sa ngayon ay umuusad na ang imbestigasyon tungkol sa pagkamatay ni delos Santos.