P355.6-billion Manila Subway Project, Aprubado na!

Aprubado na ng NEDA o National Economic and Development Authority ang P355.6-bilyon Metro Manila Subway Project (MMSP I) na kilala rin sa tawag na Mega Manila Subway. Magsisimula umano ang proyekto sa susunod na taon at inaasahang matatapos sa taong 2025.
Mega-Manila-Subway-Project
Noong Miyerkules, sinabi ni  Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia na:

The first phase of the MMSP will not only ease traffic in Metro Manila but also improve the quality of life of Filipinos.

For one, carbon emissions will be reduced. And, with greater mobility, people can spend more time on things that matter to them.
Ang  dalawamput-limang kilometro na subway ay tatakbo mula sa Mindanao Avenue sa Quezon City patungo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa ParaƱaque City.

Sa isang hiwalay na pahayag, sinabi naman ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade na:
In most of our neighboring countries in Asia, you can reach the city without ever leaving the platform. So, economic managers thought we’re going to build a subway anyway, so why not push to extend it to NAIA? It just makes perfect sense. The extension will mean greater connectivity and improved passenger comfort and convenience

We have consistently asked our Japanese partners to expedite the project. They are experts in tunneling technology, and I’m sure they can deliver ahead of schedule. But, of course, we can never compromise the quality and integrity of the project.
Ang Japan International Cooperation Agency (JICA) ay siyang nag-finance ng proyekto at ito ay may interest rate ng 0.10 percent kada taon na maaring bayaran sa loob ng 40-taon.

Inaasahang lalagdaan ang kasunduan ng Pilipinas at Japan ukol sa proyektong ito sa darating na Nobyembre kapag nagkita na ang Punong Ministro na si Shinzo Abe at si Pangulong Rodrigo Duterte sa 31st ASEAN Summit.

Source: GMA News