Pangilinan, may reaksyon sa inaprubahang 2018 budget ng CHR: Kalokohan ito

Si Senador Francis Pangilinan na myembro ng Partido Liberal ay may reaksyon sa naging desisyon ng House of Representatives hinggil sa P1,000 budget ng Commission on Human Rights (CHR) sa taong 2018.
Francis Pangilinan
BASAHIN DIN: Alleged Anomalies of a lawmaker who voted "No" on 1k budget of CHR, Exposed!

Sa official Facebook page ni Pangilinan, kanyang ipinahayag na tututulan nila sa senado ang pag-apruba sa naturang budget.

Aniya,
Hindi kami papayag sa Senado sa inaprubahan ng House na P1000 budget para sa CHR. Tututulan namin nang maigi ang pag-apruba nito sa Senado kahit pa hindi maipasa ang 2018 budget at ma re-enact and 2017 budget.

Kalokohan ito.

Ngayon alam na natin ano ang mangyayari sa bansa natin kapag nag cha-cha at itulak ang voting jointly na tig-isang boto lang ang mga Senador at Kongresista. Derecho na tayo sa diktadura.
Nitong Martes ay naaprubahan ang P1,000 2018 budget ng ahensya. 119 na mambabatas ang bumoto pabor sa naturang budget at 32 naman ang hindi pabor dito.