Paring diumano'y nangmolestya, ayaw daw ipa-book sa iba ang dalagita!

Sinampahan na ng mas mabigat na kaso na "Qualify Trafficking in Person" si Monsignor Arnel Lagarejos, ang paring inireklamo ng labintatlong taong gulang na dalagitang inabuso umano niya. Kabilang ang apat na iba pa sa mga sinampahan ng kaso na walang piyansa base na rin kay Public Attorney's Office (PAO) Chief Percida Acosta.
lagajeros
Ayon sa sinumpaang salaysay ng biktima, dalawang beses daw umanong may nangyari sa pari at sa dalagita. Tinutukan din umano ng baril ng paring si Lagarejos ang bugaw ng biktima, tinakot, at sinabihang huwag nang ipa-'book' sa iba ang dalagita.

Naglabas din ng galit at sama ng loob ang ina ng biktima na si alyas "Nimfa" dahil sa ginawa ng pari sa kanyang anak.

Sobrang galit.

Hindi na siya tao para sa akin. Isa na siyang halimaw na. Hindi siya bagay magsuot ng mga ganyang sutana. Wala siyang karapatang magpangaral ng salita ng Diyos.
READ ALSO: Aguirre Questions Father Reyes' Silence on Cases of Priests Molesting Minors

Panoorin ang report ng TV Patrol correspondent na si Dominic Almelor.


Ayon naman kay Archbishop Oscar Cruz ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines o CBCP, hanggang sa ngayon daw ay itinatanggi pa rin ni Lagarejos ang mga paratang laban sa kanya.

Source: ABS-CBN News