Prof's speculation on Trillanes' SG trip: Gimmick lang itong ginawa ni Trillanes!

Nitong Martes ay pinabulaan ni Senador Antonio Trillanes IV ang alegasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanya na mayroon siyang offshore account sa DBS bank Singapore. Ayon sa bank manager na nakausap diumano ni Trillanes, walang account na 178000296012 sa DBS bank. Ito diumano ang account number na binanggit ni Pangulong Duterte na pagmamay-ari umano ng senador.
Trillanes in Singapore
Hindi rin nakakuha ng certification sa DBS Singapore si Trillanes dahil hindi siya kliyente ng naturang bangko.

BASAHIN DIN: Blogger's reaction on Trillanes' latest trip: So there must be something there

Iba't-iba ang reaksyon ng mga netizen sa ginawang pagpunta mismo ni Trillanes sa Singapore. Isa sa mga nakapukaw ng atensyon ng mga netizen ay ang Facebook post ni Propesor Van Ybiernas, history professor sa De La Salle University.

Aniya, gimik lang daw ang ginawa ng senador. Dagdag pa ni Ybiernas, dapat ang certification ni Trillanes ay walang kahit na anong account sa pangalan niya sa bangko, 'hindi yung pina-verify lang niya yung account number na napabalitang kanya.'

Narito ang kabuuang pahayag ni Ybiernas. Pakibasa.
Walang obligasyon ang inaakusahan na linisin ang pangalan nya, Duterte o Trillanes man ang pangalan nya. Obligasyon ng nang-aakusa na patunayan ang kanilang akusasyon.

That said, kusang-loob na rin lang na nagpunta si Trillanes sa DBS sa Singapore para linisin ang pangalan nya, dapat ang certification nya ay walang kahit na ano'ng account sa pangalan nya sa bangko, hindi yung pina verify lang nya yung account number na napabalitang kanya.

Gimmick lang itong ginawa ni Trillanes!