Prominent Lawyer to Robredo: Leni, Nag-iisip ka ba?

Kamaylan lamang ay naglabas ng pahayag si Bise Presidente Leni Robredo tungkol sa mga kapulisan na nagsasabing kanila daw obligasyon na patunayan na walang polisiya ang estado upang patayin ang mga suspek sa droga.
Leni-Robredo-Bruce-Rivera
Sa pagbisita ni Robredo sa kanyang Metro Laylayan sa Pasay City nitong Miyerkules, Setyembre 6, sinabi niya sa mga reporters na:

Napakarami na ding mga kaso na until now unsolved pa. Hanggang hindi pa nasosolusyunan ito, hindi maiaalis sa taumbayan ang magtanong kung polisiya ba ito o hindi.

Tingin ko obligasyon ng kapulisan na ipakita sa tao na hindi nila sanctioned iyong ganitong mga patayan. Kasi kahit anong sabihin nila, kung iba iyong nakikita, siyempre iyong tanong parating nandoon.
WATCH: Belgica Reveals LP's Alleged Destabilization and Assassination Plot Against Duterte

Tila hindi naman sang-ayon sa pahayag ng Bise Presidente ang kilalang abogado at taga-suporta ng Pangulo na si Atty. Bruce Rivera.

Sa isang Facebook post, sinabi ni Rivera na:

LENI, NAG-IISIP KA BA?

Abogado ka naman, Leni. Anyare? Bakit kailangan iprove ng estado na hindi policy ang pagpatay ng drug suspects. How can you prove an absence of a policy? It is like asking someone to prove that dragons do not exist. Ano, certification na walang policy na ganun.

I am mesmerized at how simplistic your logic is. Lalim mo mag-isip, teh. Akala mo ba ganun katanga si PRD na gagawa ng EO mandating for the killing of drug suspects. Hindi po siya katulad ni PNoy mag-isip. Remember the Truth Commission and DAP, all rebuked by the Supreme Court

Of course, there is no such policy. Such is illegal and immoral in all civilized society. And what is the justification of the state when some are killed in pursuit of a state policy such as anti-drugs? Alam mo yan, Leni. It is an "act of state" which by international law standards is justified. Par in parem non habit imperium. Di ba nga, kahit anong uproar ng LGBT, Uganda still enacted a law that punished homosexuality with prison sentences even death.

The truth is, I am simply asking this question because I am confused. Every lawyer knows the rules of evidence and international law or can read about it if we are not sure of the rules. And yet, you are making these statements like it is gospel truth.

And you wonder why you are so unpopular. Mabuti pa si Trillanes kasi sabi ni Atty. Sabio, supported by 84 million Filipinos. Humingi ka sa kanya ng advise on how to be loved by a vast majority of the Filipino population. And in return, share your intelligence sa kanya.

Sarcasm is such an art.
Samantala, sa Senate hearing sa pagkakapatay sa binatang si Kian delos Santos nitong Martes, Setyembre 5, naging emosyonal si PNP Chief Ronald dela Rosa sa pagtatanggol sa mga kapulisan dahil na rin sa mga pahayag ni Senadora Risa Hontiveros na tila mayroon daw pattern ng pagpatay sa mga drug suspects na pinaniniwalaan niyang mga kapulisan din ang gumagawa dahil na rin daw sa polisiyang pinaiiral ng estado tungkol dito.

Si Pangulong Rodrigo Duterte naman ay nagkomento rin sa pahayag ng senadora at sinabing:

Do you think two killings even if it's illegal would make a policy? Dalawang patay. Palagay na natin pinatay, murder.

I ask Hontiveros: Is that already a policy? Is that a baseline of a policy? Napakabobo naman niya.
Source: GMA News and Bruce Rivera/Facebook