Real reason why Trillanes is in Singapore, Exposed!

Nitong Lunes, Setyembre 18, ay lumipad patungong Singapore ang kilalang kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Senador Antonio Trillanes IV. Usap-usapan ngayon sa social media kung anong gagawin doon ng senador.
Antonio Trillanes IV
Ayon sa report ng GMA News, nasa Singapore ngayon si Trillanes upang pabulaanan ang alegasyon ng Pangulo na mayroon siyang offshore bank accounts sa bansang iyon.

BASAHIN DIN: Tulfo, sinagot ang paratang ni Trillanes: Ikaw ang Ama ng Fake News!

Ani Trillanes,

Pupunta ako sa banko mismo na minention ni Duterte doon sa Singapore para patunayan na wala akong accounts doon.

Dito mapapakita na hindi lang sa wala akong tinatago, kung hindi kung gaano siya kasinungaling.
Kung ano man yan, may the IV man yan o walang IV, sarado man yan or existing account, joint or single, lahat yan papabuksan natin. Para makita ng mga kababayan natin na ginagamit ni Duterte yung kapangyarihan niya para siraan yung oposisyon at para i-divert yung issue palayo doon sa issue laban sa kanya at doon sa kanyang anak na invovled na illegal drugs.

Gusto ko malaman na agad para hindi na tumagal yung issue pa so kailangan, definitively, ma-resolve natin yung issue, malaman natin yung kung totoo o hindi.

I went to such great lengths to prove na wala akong tinatagong nakaw na yaman. Siya nga ngayon, may paratang sa kanya, kailangan ipakita niya na hindi siya kurakot. Pumirma siya ng waiver, ngayon na.
Nakatakda ngayong Martes ang pagbisita niya sa branch ng DBS Bank kung saan ayon sa Pangulo ay may 193,000 si Trillanes. Hindi naman nabanggit ni Pangulong Duterte ang currency ng naturang halaga.