Tulfo, nakakuha ng kopya ng mga kwestyonableng Bank Accounts ni Trillanes!

Maraming nagulat sa mga impormasyong inilabas ng batikang mamamahayag na si Erwin Tulfo tungkol sa mga diumano'y bank accounts ni Senador Antonio Trillanes. "Verified" daw ang mga impormasyong nakalap niya at galing daw umano ito sa isang "very reliable source."
Erwin-Tulfo-Antonio-Trillanes
Sa isang Facebok live na naka-upload sa kanyang official page, inisa-isa ni Tulfo kung anu-ano at saang lugar naroroon ang mga bank accounts ni Trillanes. Mahigit sampung bank accounts diumano si Trillanes na nakalagay sa mga bansang Singapore, Canada, New Zealand at Switzerland. Isang "investigative team" diumano ang naghalungkat ng mga "offshore accounts" ng senador.

Sinabi din ni Tulfo na si Trillanes ang pinaka-mahirap na mambabatas na senador noong taong 2016 na mayroon lamang P6.5 milyon sa dineklarang sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net worth o SALN. Ngunit naglalakihang halaga diumano ang laman ng mga bank accounts ng senador sa mga nabanggit na bansa na aniya'y hindi naka-deklara sa kanyang SALN.

PANOORIN DIN: Lawyer of VM Duterte to Trillanes: I know how this guy plays his game

Dagdag pa ni Tulfo, dapat daw ipaliwanag ng senador ang mga nakalap niyang impormasyon tungkol sa mga diumano'y tago niyang yaman. Upang ma-check daw ang veracity ng nakalap niyang impormasyon, ang "investigative team" umano na tinutukoy niya ay sinubukang mag-deposit ng tig-$100 sa mga bank accounts na nabanggit ni Tulfo sa video. Sa paghahalungkat pa ng investigative team, may ka-joint account pa diumano itong si Trillanes.

Panoorin ang kabuuan ng video sa ibaba para sa iba pang mga detalye.


Posted by Erwin Tulfo on Thursday, September 7, 2017