Tulfo, sinagot ang paratang ni Trillanes: Ikaw ang Ama ng Fake News!

Sa isang media conference sa senado nitong Lunes, Setyembre 11, sinabi ni Senador Antonio Trillanes IV na kakasuhan niya ng libelo sina Erwin Tulfo, Mocha Uson at si Ben Tesiorna na umano'y nagpakalat ng fake news na may offshore accounts diumano siya.
Erwin-Tulfo-Antonio-Trillanes
Ani Trillanes,

Kaya nga within the next few days I will file a case against itong si Mr. Erwin Tulfo, si Ms. Mocha Uson at itong si Mr. Ben Tesiorna. Kakasuhan ko sila ng libel. Hindi na pupwede yung fake news. The era of fake news is over.
Naglabas na din ng pahayag si Tulfo sa kanyang Facebook page at sinagot ang tirada sa kanya ni Trillanes. Ayon kay Tulfo, hindi fake news ang isiniwalat niya. Karapatan daw ni Trillanes na magsampa ng libelo kahit saang korte pa nito gusto.

Dagdag pa ni Tulfo, si Trillanes daw ang ama ng Fake news sa Pilipinas. Siya daw ang nag-imbento nito. Inisa-isa rin ni Tulfo ang mga fake news na sinabi ni Trillanes.

Una, sinabi ni Trillanes noon bago ang halalan 2016 na may bilyon-bilyong account daw si Duterte sa BPI. Ngunit BPI na din daw umano ang nagsabi na walang bilyon si Duterte sa kanila.

Pangalawa, pag di daw napatunayan ang mga alegasyong ito ni Trillanes, siya daw ay magre-resign bilang senador. Ani Tulfo, may pahayag na ang BPI. Ngunit hindi tinupad ni Trillanes ang mga sinabi niya. Nilinlang daw nito ang taumbayan at fake din daw iyon na maituturing. Pangatlo, nagdala din daw ng mga testigo sa senado si Trillanes  para patuyan ang mga patayan sa Davao. Ito ay sina Matobato at Lacañas. Ngunit ano daw ang nangyari? Nagtatago na daw ang isang testigo samantalang ang isa naman ay may kaso ng kinakaharap. Dahil ayon kay Tulfo,

The senate concluded na hindi mapagtitiwalaang mga source na si Matobato at Lascañas. Yan ang findings ng komite sa senado.
Pang-apat, ang pamilya naman daw ngayon ni Pangulong Duterte ang binabanatan ni Trillanes, sina Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at Atty. Mans Carpio.

Ang source daw ni Trillanes na involve ang dalawa sa shabu shipment ay si Mark Taguba. Ngunit ayon naman kay Taguba, hearsay lang daw iyon at wala siyang binanggit na involve ang batang Duterte at si Carpio sa shabu shipment ng BOC na dinidinig ngayon sa senado.

Sinabi din ni Tulfo na Trillanes ang source ng mga fake news. Ano daw ang ila-libel ni Trillanes sa kanya, kung matagal na naman daw sira ang puri ni Trillanes dahil sa mga fake news na nauna nang ipinangalat ng senador?

Anu pang sisirain sa'yo? Eh ang tingin ng mga kababayan natin sa'yo eh sira  na talaga ang puri mo. Ang credibility mo, in question.
PANOORIN DIN: Tulfo, nakakuha ng kopya ng mga kwestyonableng Bank Accounts ni Trillanes!

Panoorin ang kabuuan ng sagot ni Tulfo sa pahayag ni Trillanes kahapon.



Posted by Erwin Tulfo on Monday, September 11, 2017