Veteran Journalist to Tindig Pilipinas group: Ang tawag dito ay rebranding

Sa isang seremonya sa San Juan nitong Lunes, Setyembre 18, binuo ang grupong 'Tindig Pilipinas' na naglalayong himukin ang pamahalaan at si Pangulong Rodrigo Duterte na irespeto ang karapatang pantao ng ordinaryong mamamayan.
Tindig Pilipinas
Layon ng grupong ito na labanan ang umano’y patuloy na patayan sa ilalim ng kampanya kontra ilegal na droga ng kasalukuyang administrasyon.

Isa pa sa layunin nila ang pag-isahin ang tinig ng mamamayan upang mapagtibay ang panawagan na igalang ang buhay ng bawat isa, mahirap man o mayaman.

Kabilang sa grupo ng Tindig Pilipinas ang ilang kilalang myembro ng Magdalo na sina Senador Antonio Trillanes IV at Gary Alejano, maging ang ilang mga senador ng Liberal Party na sina Senador Francis Pangilinan at Risa Hontiveros.

Ngunit, isang beteranong mamamahayag ang naglabas ng kanyang saloobin tungkol sa naturang grupo.

Ani Ira Panganiban, rebranding daw ang tawag sa ginawa ng Tindig Pilipinas. Ibig sabihin lamang daw nito ay ang pag-amin nila "na sunog na talaga ang LP at lahat ng simbolismo na nakadikit dito." BASAHIN DIN: A must read message to Priests and Nuns who calls for a rally against Duterte went viral!

Narito ang kabuuang Facebook post ni Panganiban.

Ang tawag dito ay rebranding. Bagong kulay, bagong handsign, bagong pangalan.

Pero ang ibig lang sabihin nito ay ang pag-amin ninyo na sunog na talaga ang LP at lahat ng simbolismo na nakadikit dito.

Yun lang, kayo pa din ang miyembro. So ano nagbago?

ps...yung handsign ninyo, nagpaalam ba kayo sa Boy Scouts o sa APO?

#syetdapwet
Samantala, sa Setyembre 21 ay may inihahandang gawain ang grupo ng Tindig Pilipinas kung saan anibersaryo din ng deklarasyon ng martial law ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.