Blogger exposed the alleged hypocrisy of Tindig Pilipinas group

Naglabas ng opisyal na pahayag ang grupong Tindig Pilipinas tungkol sa umano'y violation of rights ng Pinoy Ako Blog, ang anti-Duterte blog site at Facebook page na gumawa ng article tungkol sa diumano'y "7 Deadly Sens". Sila ang pitong mga senador na hindi nakapirma sa Senate Resolusyon No. 516 ni Sen. Francis Pangilinan na kumukondena sa extrajudicial killings. Dahil dito, ang Pinoy Ako Blog, Silent No More PH at ilan pang mga anonymous blog site ay planong sampahan ng cyber-libel case ni Sen. Tito Sotto dahil sa hindi makatuwirang pambabatikos nito sa kanya at sa anim pang mga senador.
blogger's response to tindig pilipinas statement
Nito lamang Biyernes, Oktubre 13, ay inamin ni Jover Laurio na siya ang nagmamay-ari ng Pinoy Ako Blog.

Hayaan niyo na sa akin manggaling ang katotohanan. Opo, si PAB at si Ms. Jover Laurio ay iisa.

Isa lang ordinaryong tao si PAB,  na araw-araw binabash ngayon sa social media ni Thinking Pinoy a. k. a. RJ Nieto  and his minions.
Dagdag pa niya, magsasampasa daw siya ng kaso laban sa mga naninira sa kanya.

I have already talked to some lawyers and I will be filing criminal and civil case. A group of lawyers offered their services pro bono. Atty. Florin Hilbay also offered to help.
Matapos ang pag-amin ni Laurio, naglabas ng pahayag ang Tindig Pilipinas, ang grupong kinabibilangan ng mga Senador na sina Pangilinan, Hontiveros at Trillanes, kung saan mababasa ang pagsuporta ng kanilang grupo sa may-ari ng Pinoy Ako Blog.

tindig pilipinas statement

BASAHIN DIN: These photos allegedly debunks Laurio's claim that she's just an ordinary person

Sa naturang statement ay nabanggit ang pangalan ni RJ Nieto, ang may-ari ng Thinking Pinoy website at Facebook page.

Kanyang ipinost ang statement ng Tindig Pilipinas at sinagot ang ilang akusasyon tungkol sa kanya. Narito ang kabuuang Facebook post ni Nieto.
ANG KAHIPOKRITOHAN NG TINDIG PILIPINAS

One of your overlords, Senator Risa Hontiveros (and her entire staff) has already known who I am even before the campaign period. Ininvite pa nga ako sa bloggers meet and greet niyan bago mag eleksyon, at doon ko pa unang nakilala in person si Atty. Trixie Cruz-Angeles.

Even Bam Aquino's staff know who I am, with one of them being my orgmate sa UP Debate Society.

Maang-maangan when convenient, eh? Your selective memory is disgusting. Pati statement niyo, balasubas.

If I were PAB, I will just attend the Senate Hearing and present my case. Puro kayo media blitz, yan lang ang alam ninyo. Grabe, SAAN KAYO KUMUKUHA NG PERA?

And by the way, Laurio was a government employee too: she was the Provincial Tourism Officer of Masbate. So please lang, wag araw-arawin ang pagmamaang-maangan.

And you stand squarely behind PAB, the same blogger who libelled over 300 people in less than one year?

MESSAGE RECEIVED.
Sa ngayon ay umabot na sa mahigit 2,000 ang nag-share ng post ni Nieto at mayroon na ring mahigit 1,800 mga komentong mababasa dito.

Source: ThinkingPinoy/Facebook, PinoyAkoBlog/The Unfortunate Seven and Ako si PAB, Oh Eh Ano Ngayon?