Davao City Mayor talks about this photo: Picture ng circus na parada

Nitong Oktubre 14, isang Facebook post ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, anak ni President Rodrigo Duterte, ang mabilis na nag-viral sa social media na ngayon ay mayroon nang mahigit 25,000 shares sa Facebook.
Sara Duterte and the story behind this photo
Isiniwalat ni Mayor Duterte ang kwento sa likod ng larawan kung saan siya at ang kanyang ama ay makikitang abala sa panganganpanya bago ang halalan noong 2010 para kay noo'y dating Senador Noynoy Aquino, kung saan makikita rin ang nagparayang si Mar Roxas.


Ang naturang larawan ay ini-screenshot ni Mayor Duterte mula sa Facebook post ng Injustigram na may caption na:

#ThrowbackThursday: The original dilawans: Rody Duterte and Inday Sara Duterte
Ngunit may mahabang kwento pala sa likod ng larawang ito. Mula sa kung bakit asul ang kulay ng damit na suot ni Mayor Duterte, hanggang sa kung ano ang nasa isip niya noong panahong iyon at kung sino talaga ang totoo niyang binoto noong 2010 election sa pagka-presidente ay isiniwalat dito ng Mayor.

May mensahe din siya sa mga "yellow senators" na nais manalo sa mga susunod na eleksyon.

Juicekow parang nasa election pa rin tayo ano? Black propaganda ang peg. You want to bring this country down with PRD kasi gusto niyo kayo lang. When I look at the videos and pictures of your yellow senators, natatawa ako sa ambisyon niyo. Hire niyo ako consultant para manalo kayo ng hindi dahil sa pandaraya. Magastos mandaya, mas mura consultancy ko.
BASAHIN DIN: These photos allegedly debunks Laurio's claim that she's just an ordinary person

Narito ang kabuuang post ni Mayor Duterte.

Ah yes, you want to talk about this photo? Cge, fire-

1) I've known Mar Roxas, sometime before the 2010 elections, long story short nagparaya siya kay PNoy. Kaya blue ang suot ko hindi yellow kasi si Roxas yun humingi ng tulong for Davao, so ayan na nga ang picture ng circus na parada. Of course we all know, there is something off with PNoy. Roxas is intelligent, PNoy among other things, is not. This fact was very obvious, Roxas was very apologetic, he looked pained. One of those moments sa araw na yan, Roxas said and I quote "Pagpa cencyahan niyo na, tulungan niyo ako." (He can deny this, because my corroborative witness PRD, at that time I can tell, was not listening to him. Pnoy and Roxas bores PRD to death). P.S. I never received a single peso for my help to them, check niyo resibo ni Aquino at Roxas.

2) 2010 elections I voted for Pres Erap and Roxas. Take note: Pres Erap and VP Binay won in Davao City.

3) I have at least 2 anecdotes about what is off with PNoy. I will reserve the stories for when meron kayo ilalabas na picture next time. Gusto ko kase may mga picture ang post ko. Meron din ako anecdotes kay Roxas, Korina at Kris. Maglabas muna kayo ng photo. Sabe ko nga di ba? Kayangkaya ko tatlong dekada makipag away. Sabi nga nila #BatangMindanao

4) Off topic na ito but I want to tell you anyway, I became friends with Pres Erap a year or two before the 1998 elections. Again sabe ko nga dba? matagal nako sa politika, di pako pinanganak, Governor Vicente Duterte good vibes na ako. Pero I officially started 1987, Trillanes was still drinking infant milk back then.

5) Off, off topic, at the height of EDSA 2 the night before Pres Erap left the Palace, habang kayo lahat ng dilawan nasa Edsa na akala ni PRD nandun din ako, kasi nawawala ako sa townhouse. Nasa park ako harap ng Malacañan, ang corroborative witness ko buhay pa naman hanggang ngayon, he can tell you. Hinila ko siya doon kasi gusto ko pumasok magbigay ng moral support. From the palace gate tinitingnan lang kami ng PSG, by the look in their eyes there was no way we can even hold the gate. So, umupo nalang kami doon sa park. I waited until I couldn't wait anymore na makita ako ni Pareng Erap na nakaupo sa park and the next day pagising ko sumakay na si Pres Erap ng barge. Dami ko kwento noh? Oo dami ko alam that can destroy friendships between sa mga plastics na dilawan. Personal knowledge ha- nakita ko, narinig ko.

6) So back to your picture, that parade was a dud compared to what I've seen sa byaheng du30 for PRD. Wala nga iyong kandidato doon, sticker ng mukha lang niya sa bus pero you should have seen the people who went out and helped us. Papakita ko, gagawa kami ng book byaheng du30: pasasalamat.

7) Juicekow parang nasa election pa rin tayo ano? Black propaganda ang peg. You want to bring this country down with PRD kasi gusto niyo kayo lang. When I look at the videos and pictures of your yellow senators, natatawa ako sa ambisyon niyo. Hire niyo ako consultant para manalo kayo ng hindi dahil sa pandaraya. Magastos mandaya, mas mura consultancy ko.

O ano na? Saan na ang proof of authenticity and source para sa waiver? Liar.

Pakishare hanggang umabot kay injustigram. One of those fake people, behind fake accounts. Tanga ka, injusticegram dapat yan, to be consistent sa tema ng black propaganda niyo, anong injustigram. Engot.

Fight! 👊🏻
Source: Inday Sara Duterte-Carpio/Facebook