Fearless PAB answers TP, Sass and DSWD ASec's claims against her

Ngayong Oktubre 15, sinagot ni Jover Laurio ng Pinoy Ako Blog ang mga paratang diumano sa kanya nina Sass Rogando Sasot, DSWD Assistant Secretary Lorraine Badoy, at RJ Nieto ng Thinking Pinoy.
pinoy ako blog vs bloggers
Sa kanyang blog post na Mga Kasagutan sa Paninira, kanyang sinagot ang Facebook post ni Sasot tungkol sa kanyang ina.


Ayon kay Laurio,

I guess hindi napanood sa Rappler interview na nasabi ko I am adopted.  Luh, kahit sa paninira palpak pa din kayo.

Tapos sabi niyo kaya ako nainterview sa BBC kasi a machinery is backing me up. Luh, yung imagination niyo at inggit pareho lang.

Tungkol naman sa libelong planong isampa ni Sasot sa kanya ay ito naman ang kanyang naging pahayag.

At puwede ba wag niyo akong takutin ng libel case na yan, ikaw mismo ang umamin na prostitute ka in one of your posts, tapos pag sinulatan ka at bigyan ng advice libelous agad? Sa totoo lang tayo. Yes,  I have the screenshot.

Do you think susulat ako sa yo, at bigyan ka ng advice kung hindi mo inamin yun?  You see, alam kong style na yan, tinatakot niyo ako, well wrong move kasi una niyo nang pinagbantaan ang buhay ko.

Nagpacrowdsource ka naman para perahan ang mga tao, when you yourself admitted that you are a prostitute.
BASAHIN DIN: Columnist asks netizen's help to raise funds for libel case against Pinoy Ako Blog owner

Ito naman ang pahayag niya kay ASec. Badoy ng sabihin diumano nito na pangit siya.

And you Ms. Asec. oh e ano naman kung pangit ako? Maganda naman ako sa paningin ng Nanay ko. Yun lang ang importante. Pasensya na wala kasi akong pera pamparetoke gaya mo.

At saka Asec. eh ano naman kung may kaibigan ako na mga taga Forbes Park, madami pa din namang mga mayaman na hindi matapobre na gaya mo.

Durugin niyo man pagkatao ko, hindi magbabago ang katotohanan sa mga sinasabi ko.
May mensahe rin si Laurio kay Nieto ng Thinking Pinoy:

And you Thinking Pinoy, kayo ni Ate Sass ang nagsimula nito, di ba? Pinagdiskitahan niyo ako, binalahura niyo ang pagkatao ko. Tapos ngayon sasabihin niyo orchestrated ang machinery. Kayo ang may kasalanan kung ano man ang nangyayari ngayon.
Samantala, ayon kay Sass ay magkita na lamang daw sila ni Laurio sa korte.

Dear Jover Laurio a.k.a. Pinoy Ako Blog,

I won't answer any of your post about me. Because I'll just see you in court.
Wala pang sagot sa mga oras na ito sina Nieto at Badoy tungkol sa pahayag na ito ni Laurio.