Former journalist gives additional info about Dayao, the man in #CocoyGate exposé!

Mabilis na kumakalat ngayon ang Facebook post ng isang dating mamamahayag kung saan mababasa ang kanyang natuklasan kay Cocoy Dayao, ang diumano'y nagmamay-ari at may kontrol sa SilentNoMore PH na planong sampahan ng cyber libel case ni Senador Tito Sotto III dahil sa pagpapakalat umano nito ng mga malisyosong pahayag tungkol sa kanya at sa anim pang mga senador na hindi nakapirma sa Senate Resolution 516 ni Sen. Francis Pangilinan.
Cocoy-Dayao
Matapos ang masusing pag-iimbestiga nina DFA consultant RJ Nieto na siya ring may-ari ng Thinkingpinoy.net at ni Sass Sasot, isang social media influencer at kilalang taga-suporta ng Pangulo, napag-alaman nila na ang SilentNoMore PH, Madam Claudia at iba pang mga anonymous blogs na ang ilan ay mga nagpapakalat diumano ng mga paninira kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa mga kaalyado nito, ay mga pagmamay-ari umano ni Cocoy Dayao. Dati rin umanong PCOO consultant si Dayao noong panahon ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Dahil sa pagiging viral ng #CocoyGate exposé nina Nieto at Sasot, natawag ang pansin ni Jay Sonza, dating mamamahayag sa mga kilalang TV stations sa bansa, at minabuti niyang alamin kung sino nga ba talaga ito.

Binuklat niya ang kanyang mga old files at hindi naman siya gaanong nahirapang alamin ang iba pang impormasyon tungkol kay Dayao. Laking gulat din niya ng kanyang mapag-alaman na kaisa-isang anak pala ito ng kanyang kumare na si Angelita Mojares Dayao na matagal nanirahan sa Project 6, Quezon City.

BASAHIN DIN: RJ Nieto: #CocoyGate and the Mafia Code of Omerta in Mainstream Media

Narito ang iba pang natuklasan ni Sonza tungkol kay Dayao. Pakibasa.

"COCOY DAYAO"

Siya na siguro ang pinakasikat na tao ngayon sa bansa. Ito ay matapos mabunyag na siya umano ang taong nasa likod ng halos lahat ng mga social media sites na sinasabing nasa likod ng mga paninira kay G. Rodrigo Duterte at mga kaalyadong pulitikal ng pangulo ng bansa.

Bilang isang dating journalist, natawag ang aking pansin at minabuti kung alamin kung sino nga itong COCOY DAYAO na ito. I wanted to know who this person is. Ano ba ang background nitong mama at ano ang kanyang motivation bakit nasasangkot siya dito sa sunod-sunod na hakbang upang pabagsakin ang Duterte Administration.

My usual reportorial skills were summoned. I started asking around my neighborhood. Baka sakaling may nakakakilala sa kanya. I activated my news sources, both from overt and covert world. Given na iyong mga information na si "Cocoy" ay konektado sa mga dating nanirahan sa Malacanang at mga kapanalig ni Mr. Noynoy Aquino.

Akala ko ay mahihirapan akong tuklasin kung sino nga itong bright boy na ito, who allegedly handled the cyber bullying of the president by way of spreading concocted information and "fake news" by his lonesome (which is next to impossible).

Sus Ginoo, ang laki tanga ko pala kung nagkataon na hindi ko nabuklat iyong mga old files ko. At dahil Linggo ngayon, I had all the time to check on pictures, manuscripts and notepads which I kept for posterity sake. Heto ang nadiskubre ko!

Si "Cocoy" pala ay iyong kaisa-isang anak ng kumare kong si Angelita Mojares Dayao na matagal nanirahan sa Project 6, Quezon City.Siya iyong naging katuwang ko sa binyag ng anak ng yumaong Cesar Nucum (yes, Kuya Cesar, the late broadcaster na sumikat dahil sa bagal magsalita sa radio/ABS-CBN) na si Nino (he is now connected with ABS-CBN/TFC America). Oo Nino, kinakapatid mo pala itong si Cocoy.

Kaya pala noong nakita ko iyong litrato ng mama sa facebook, sabi ko looks familiar. Siya nga si EDWARD " Cocoy" DAYAO! Ang anak ni Mareng Angelita ko. Hinanap ko agad aking kumare, Dati kasi ang bahay nito ay malapit lang bahay ng best friend kong sina Domeng (birthday niya ngayon) at Linda Cordova, Sa kasamaang palad wala na sila doon at balita ko ay lumayas at mukhang nagkaroon ng problema dahil sa negosyo o pera. If you know what I mean.

Anyways, napag-alaman ko na lumipat sila sa Lipa City, Batangas. Hindi naman ako nagtaka dahil alam kong may kapatid na pari ang aking kumare. Si Fr. Francis Mojares ay nakadestino kung hindi ako nagkakamali sa bayan ng Taal. May kapatid siyang duktora at may-ari sila ng ospital doon.

As to the motivation of Cocoy, wait lang, susubukan kong alamin.
Source: Jay Sonza/Facebook, Thinkingpinoy.net