Leaked: Cocoy Dayao's Malacañang Payroll Records

Isang dokumento ang ngayon ay mabilis na kumakalat sa social media kung saan makikita ang diumano'y payroll records ni Edward Angelo "Cocoy" M. Dayao, Presidential Communications Operations Office (PCOO) Consultant umano noong panahon ni dating Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III.
Cocoy-Dayao-PCOO-payroll-records
Ayon sa Facebook post ni RJ Nieto a.k.a. Thinking Pinoy, itinanggi umano nina Lacierda, Valte at Coloma na naging consultant ng PCOO si Dayao.

Ani Nieto, isang source diumano mula sa PCOO ang nag-leaked sa kanyang dokumento at ngayon ay ni-request na rin niya sa Malacañang na i-confirm kung ito nga ba ay may katotohanan o wala.

Si Dayao ang diumano'y web administrator ng mga anonymous anti-Duterte blogs kabilang na ang Silent No More PH, ang anonymous Facebook page at blog site na planong kasuhan ni Senador Tito Sotto dahil sa malisyosong pagtawag nito sa kanya at sa anim pang senador na "Malacañang dogs in the Senate". Ito ay sa kadahilanang hindi sila nakapirma sa Senate Resolution 516 ni Sen. Francis Pangilinan na humihimok sa gobyerno na itigil ang mga "walang kabuluhang" pamamaslang, "lalo na ng mga bata".

Samantala, narito ang kabuuan ng post ni Nieto pati na rin ang sinasabing payroll records diumano ni Dayao. BASAHIN DIN: Brilliant suggestion of a Professor after BBC interviewed Jover Laurio of Pinoy Ako Blog

Cocoy Dayao payroll records


LEAKED: COCOY DAYAO'S MALACAÑANG PAYROLL RECORDS

Lacierda, Valte, and Coloma all denied that Cocoy Dayao was a consultant at the Aquino-era PCOO. However, a document leaked to ThinkingPinoy by a Duterte-era PCOO source proves otherwise, as it details regular consultancy fee payouts made to Dayao.

Meron kayang dapat i-cite for contempt?

I have requested Malacañang to officially confirm the veracity of this document. Pero siyempre, matagal pa yun.

#CocoyGate #SenateHearing