Netizen to Roque: Nagkakamali ka Spox kung ikakahon mo lang kami

Following the recent statement of Presidential Spokesman Harry Roque about explaining the value of journalists to Mocha Uson and Duterte Diehard Supporters (DDS), businessman and social media influencer shared his thought on the said issue.
Roque
SEE ALSO: Furious blogger reveals the reason why Roque's appointment is a big mistake

In a Facebook post, Mark Lopez said:

Patay tayo jan Spox!

Marahil di ka aware sa malalim na pinaghuhugutan ng DDS and ung aming mga socmed warriors laban sa mainstream media, or what you emphatically call “legitimate” media.

Eto kasi yun eh - sobra kasi taas ng tingin ng MSM sa sarili nila na sila lang ang may K pagdating sa mass communication and information dissemination...

Di ba nga kaya nagbitaw pa si Maria Ressa na “it’s time to take back the internet” dahil ultimo dito sa emergence ng social media as a platform dapat domain din ng mga “legit” journo like her.

Alam mo Spox, dito kayo out of tune and misguided.

Kaming mga ordinaryong citizens eh nagising na sa aming slumber when it comes to masscom. Maalam na kami that we now have the power to express our selves and our opinions in a manner that greatly changes the way media is now being utilized.

Kumikilatis na kami ngayon at nagmamasid, at hindi na kami basta basta ngayon sasakay sa banat ng MSM dahil sinusuri na namin ito at binabalangkas kung may pinababoran o may tinatago o may gustong ibang palabasin.

Marunong na kami Spox...hindi mo na kami kelangan lecturan o turuan.

Ang trabaho mo eh ilatag ang ginagawa ng liderato natin at sagutin ang mga katanungan patungkol dito o linawin o klaruhin kung may mga tanong o pag a alinlangan, base na rin sa gustong maging direksyon ng ating gobyerno...

Nagkakamali ka Spox kung ikakahon mo lang kami na DDS lang na mga mangmang o sunod sunuran lang sa agos...

Malaki na naipundar namin sa laban na ito Spox. Ikaw nga eh hindi ka naman original sa hanay namin and bagong salta ka lang...

Mahirap naman yang sasabihan mo pa kami na kami ang mag adjust sa “legitimate” media.

Ano kayo, sineswerte?!!!

Don’t us Spox.

We kennat!
Meanwhile, in a press briefing on Monday, Roque said:

I am calling out to the DDS and I was hoping Asec. Mocha could be here to send the message. In due course, we will explain in a manner that all will understand why rights of the free press are important

Iyong teka-teka policy ng nakaraang administrasyon, iyong korapsyon sa pork barrel na ebidensiya na iyong nakalipas na administrasyon maraming kapalpakan, hindi naman natin malalaman kung hindi sa lehitimong media

Isang dahilan kaya naluklok sa kapangyarihan ang mga president, I’m explaining this to the DDS ‘no, because the media has exposed ‘yung mga kapalpakan ng nakalipas na administrasyon.

The people would have not supported President Duterte if the media did not emphasize iyong kapalpakan ng previous administration… Ngayon naman, wala namang ikatatakot sa media ngayon. Bagamat napakadaming batikos, lahat ng batikos naman ay nasasagot.